[13] Good Dancer
Araw-araw na daw kami mag pa-practice kasi late na daw kami nag practice at malapit na daw yung qualifying round. Yan, ang sabi ni coach nung nagkita kami sa cafeteria. Tapos na ako maglunch at malapit na mag ring ang bell.
Pagala-gala naman ako sa school nun, wala kasing magawa eh. Si Cesstral naman, ang busy niya sa project niya, mamaya na kasi i-pass eh. Ako , tapos naman, nung Sunday ko ginawa. Si Zian naman, ilang araw ko din hindi nakita. Ewan ko ba, malapit na kasi din yung Finals Exam sa college eh. For sure, busy na rin yun. At baka, kasama pa niya si Vanessa. Mabuti na rin na kasama sila para may mabubuong loveteam. At lalayo na din ako ng konti para mawala na rin yung something na nafeel ko.
For how many minutes, na feel ko na ang boredom dito sa park. Nakaupo ako dito sa bench at inistretch ko naman ng lalo yung paa ko sa sahig, na parang nasa bahay ako. Kinuha ko naman yung cellphone ko at magpplay ng kanta, isasaksak ko sana yung earphone sa tenga ko nang nagbigla naman ako sa isang bata na tumatakbo at nadapa sa harapan ko, na blocking ko yata. Aishh!
"Naku! Okay ka lang?" sabi ko sa kanya, pinapatayo ko nga siya, pero nakita ko nung paluha na yung mata niya. "Huwag kang iiyak." habang sinabi ko yun umiyak naman siya! Haaaay! Bata talaga.
"Naku, huwag kang umiyak, okay ka lang ba?" sabi ko kanya habang pinapatyo ko siya pinapaupo sa bench. Nakita ko naman yung sugat niya sa tuhod niya, pero hindi naman dumudugo. Parang namumula lang.
"Tahan na, tahan na." sabi ko habang hinimas-himas yung likod niya.
"K-kasalan m-mo 'to eh" sabi niya na umiiyak.
Paano ba 'to? Di ako marunong magcomfort ng bata eh. Kahit meron akong kapatid na bata sa bahay at mag iiyak silang dalawa, wala naman akong paki alam eh. Mga matatapang naman yun.
"Sorry na. Bakit ka naman kasi tumatakbo?"
"N-naglalaro kasi ako eh." tapos tinuro niya yung kalaro niya sa likod.
Inihipan ko naman ang sugat niya na namumula. Medyo kumalma naman siya nung binlow ko yung sugat niya.
"Hindi na ba masakit?" tapos tumango nama siya.
Nung lumingon ako sa kanya, halata naman hindi na siya umiiyak. Nagtanong naman siya sa akin kung ano ang pangalan ko.
"Ako si Alexandria, ikaw anong pangalan mo?" tanong ko naman siya na mahinhin.
"Ryan. DIto ka nag highschool?" tapos tumango ako.
Nakita ko naman ang uniform niya na dito rin siya nagsschool. Halata naman din siyang Grade School kasi ang liit liit pa niya para mag high school.
"Bakit ka dito nag high school?" sumagot naman ako.
"Kasi dito ako inenroll ni Mama. Since Grade 1 kasi ako dito eh." Medyo gulat naman siya nun.
"Bakit hindi ka lumipat?" bakit ba ang daming taong kapag bata?
"Ewan ko, parang loyal ako dito eh.
"Eh ano po ba yung loyal?"
"Loyal? Uhmm.. parang hindi mo gustong iwan? Parang .. Uhmm.. Pano ba 'to" tiningnan ko naman siya na handang makinig. "Eto For Example, May isa kang toy na favorite na favorite mo, tapos dumating si Mama na may dalang maraming maraming new toys, pero imbis na new toys ang lalaruin mo, yung favorite toy pa rin ang nilalaro mo. Yan ang loyal. "
BINABASA MO ANG
How to Make a Man Fall in Love with You
Teen FictionHi! I'm Alexandria Delos Santos, 16 years old. And I'm in love with a 19 yrs. old guy. Is this possible? to have 10 ways to make a man fall in love with me? Does age difference really matter in a relationship?