[14] Getting Weirder
Nasa cafeteria ako at kumakain ng siomai. Gutom na siguro ako dahil lima na yung naubos ko na siomai. Naiinip kasi ako sa teacher ko dahil maliit lang yung score na binigay niya pero yung kay Cess medyo malaki. Pinaghirapan ko naman yun.
HIndi nga pala pumasok si Cess ngayon dahil may lagnat siya, kaya wala akong kasama ngayon sa cafeteria.
May lumapit naman agad sa akin.
"Hi Alexandria, ikaw lang mag-isa?" sabi nung kaklase ko na babae, siya yung Governor namin sa High School. Siya ang magproprovide ng mga activities sa school. Kung Monarchy type pa, mukhang siya yung Prime Minister at yung King ay yung Principal.
Tumango naman ako...Umupo namn siya saglit.
Bigla naman may nagtext sa kanya at syempre binuksan niya, para siyang naiirita sa text kasi umiba yung mukha niya. Nagtataka naman ako.
"Tsk! Eto nanaman si sir! Ako nanaman ang pinagtritripan niyang maghanap ng ganito.."
"Ano?"
"Edi ba? Malapit na yung Intramurals sa University? At may mga pageants?" tumango naman ako habang nakikinig sa kanya.
"Oh? Ano nanamang problema dun?"
"Yun nga, pinahanap niya ako ng Magaganda at Gwapong High School Student para magcompete sa Mr and Ms. Goldenbridge University!" By the way, dito pala sa amin, kailangang sumali ang HS sa mga pageants sa University ang ma kakalaban mo ay yung mga College Students. Pag intramurals, separated ang HS Intramurals and University Intramurals. For short, dalawa yung intrams namin. HS Intrams for 3 days and University Intams for 1 week.
"Eh, Alangan! Ikaw yung Governor eh, dapat ikaw ang maghahanap!"
"Eto na nga sinsabi ko, ang hirap pala nito! Bakit ba ako tumakbo nito." tapos nag smile nlng ako, mabuti nalang hindi ako tumakbo.
May nagtext nanaman sa kanya. sabi niya naman...
"At pinapahanap rin niya ako ng Mr. Gay! Inter-Collegiate din." Mr.Gay? Ano yun?
"Ano yung Mr. Gay?" sabi ko sa kanya
"Hindi mo alam yan?" tapos umiling ako "Yun yung magcocompete yung mga TOTOONG LALAKI as GAYS! At kailangan natin ng contestant sa High School!"
"Ano? Hahahaha. For sure, eto ang highlight sa University Intramurals!" natuwa naman ako nun. Sino kaya ang maging Mr. Gay ng High School? Haha. Siguradong papanoorin ko talaga 'to.
Malaki naman daw ang prize sabi ng Governor ng High School para hindi tatanggi yung mga contestant! Alam naman natin na labag sa kalooban na magsusuot yung mga straight guys ng mga pambabae na suot kaya ipinalaki nila 'to. At syempre daw, para daw talaga itong totoong pageant dahil may Production Number, Evening Gown at ang pinakahihintay ng lahat Swimwear! Hahahahahaha!
Lumabas naman ako nung natapos na akong kumain, umalis na rin si Governor kasi pupunta pa daw siya sa Students Lounge.
Nung umalis na ako sa cafeteria para pumunta ng High School Dept. Ewan ko ba kung ano ang nasa isip ko at pumunta ako sa Elementary Department. May two ways kasi yung daanan ng HS. Either doon ka dadaan sa NAR or dito sa Elem. But everytime dun ako dadaan sa NAR kasi mas mabilis kang makapunta sa HS kesa dito.
But i don't know. For a change siguro.
Nakita ko namang nagsilabasan na yung mga bata ang iba kinuha na sa mga magulang nila, ang iba nasa playground, naglalaro. Tinignan ko naman ang wristwatch ko. Malayo pa naman ang time, pwede pa akong magliwaliw dito kahit kaunti.
BINABASA MO ANG
How to Make a Man Fall in Love with You
Teen FictionHi! I'm Alexandria Delos Santos, 16 years old. And I'm in love with a 19 yrs. old guy. Is this possible? to have 10 ways to make a man fall in love with me? Does age difference really matter in a relationship?