1st Piece

22 1 0
                                    

   
Noon hanggang ngayon
 

   
Noong una tayo'y napakatamis
Hindi ko ninais
Ang iyong pag-alis
Ng ganito kabilis
 

 
Noong ika'y lumisan
Hindi ko inaasahan
Na ikaw parin ang kailangan
Ng puso kong labis na nasaktan
      

Bakit ba ako'y iyong iniwan?
Ano ba ang kulang at kailangan?
Dahil sa iyong paglisan
Hanggang ngayon ako'y nagdaramdam
  
   
Naaalala ko pa
Noong unang araw na tayo ay nagkakilala
Yung mga kulitan nating dalawa
Yung mga araw na tayo'y nagmamahalan pa
  
   
Ang damdaming ibinaon ay nahukay
Mula sa pagkakahimlay
Pagkat di ako nasanay
Na sa piling ko ika'y mawalay
   
   
Lagi kang pumapasok sa isip ko
Kahit anong pilit na paglayo
Sa bawat minuto at segundo
Ikaw parin ang tinitibok ng aking puso
   
   
Puso at isip ay naguguluhan
Di alam ang dahilan
Ngunit bigla kong naisipan
Kung kailan ako ay iyong babalikan
   
   

By: Aina Lea
sweetpotatoetee

My PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon