Minsan Kitang Minahal

39 0 0
                                    


Minsan Kitang Minahal


Ikaw na sa akin ay nagpapasaya at nagpapangiti

Ikaw na nagpapaangat ng magkabilang dulo ng aking labi

Para sa akin ang ngiti mo ang pinaka matamis sa lahat

Sa mga panahong ika'y nakasama ang saya ko'y walang sukat


Ang iyong boses ang pinaka kabisado ko

Ang tinig mo sa aking alaala ang nagsisilbing hele ko

Kahit na hindi ka man marunong umawit o kumanta

Hindi ka man bihasa sa pagtugtog ng gitara


Ikaw pa rin ang nagpapatibok ng aking puso

Sa araw ko ay ikaw pa rin ang bumubuo

Ikaw ang nagturo sa akin ng simpleng ligaya

Ang ligaya ng taong umiibig ay walang kasing saya


Di ka man kasing pogi ng ibang lalaki

Di ka man pansinin pag ikinumpara sa marami

Ikaw man ay hindi magaling na manlalaro

Ikaw man ay hindi tulad ng ibang matalino


Ang mata ko'y sadyang ikaw ang natatagpuan

Ito'y sumasama pumunta ka man kung saan

Sa tuwing nakakasalubong ko ang iyong mga mata

Lumilihis ako dahil ang puso ko'y ikaw ang sinisinta


Sa mga araw na nakakausap at nakakatabi kita

Pagpasensyahan mo na kung ang saya ko'y sumosobra

Pasensya na kung ako ay puno ng ligaya

Di ko kasi makubli ang umaapaw na saya


Ipagpatawad mo kung kulang ang araw ko kapag hindi kita nakikita

Patawad kung ibig talaga ng puso ko na angkinin ka

Pasensya na dahil ang puso ko'y palaging sinisigaw ang mga katagang "Mahal Kita"

Ipagpatawad mo kung ang tanging hiling ng aking puso ay sabihin mo rin ang "Mahal Kita."


Salamat sa bawat oras ng pagsama mo sa akin

Sa mga sandali na tila ba'y nahipan na ng hangin

Sa mga pagkakataong ang puso ko ay umasa

Salamat dahil hindi ko malilimutan na umibig nang mag isa.

Inspirasyon: Mga Tula Mula sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon