Chapter 1

15 0 0
                                    

I AM BEAUTIFUL!

Caps lock yan dahil gusto kong ihampas sa muka ng mga nakakabasa nito na maganda ako INSIDE AND OUT. Bukod sa beautiful, ang isa pang valid description para saken ay DYOSA. I am every man's dream. Dahil nga sexy ako, maganda ako, mayaman ako, mabait ako, AT MATALINO AKO. Oo! Naniniwala ako na matalino ako dahil.. dahil yun ang totoo! At hindi pa ba sapat na pruweba ang nakapasa ako ng grade 1 hanggang 4th year high school? Oh diba matalino nga ako. Wag na kayong makulet dahil maganda ako! 

Nandito ako ngayon sa dressing room ng Coconut Entertainment. Huh! FYI readers, artista ako as in artist, actress, superstar, shining star, moonlight, DYOSA. Okay enough na. May interview pa ko later and shooting also. Andami kong trabahong gagawin pero wapakels dahil I Am Beautiful. 

"Pakibilisan mo nga mag make up baka malate ako sa shoot" Hayy nako nagmamantine pa kasi tong chaka na to. Akala mo naman isang damukal na foundation ang kailangan ko sa muka!

"Opo Ma'am Betty" 

Hay nako antagal naman ni Richie dumating! Di ko pa naman alam ang schedule ko today bwiset naman. Basta ang sabi niya lang may shooting at interview ako ngayon sa isang sikat na TV show. at may shooting den ako sa bago kong palabas.

"BETTY!" Speaking of.. Andito na ang bakla kong assistant . 

"ANG TAGAL MO NAMAN RICHIE!" Reklamo ko. Aba'y magiging puti na ang maganda kong eyeballz eh wala padin siya

"Hay nako Betty andami kong inasikaso teh! Andaming projects na naghihintay sayo! AAHHH!! Nakakaexcite! At tsaka eto naman, di ka pa nga tapos make-up-an ni Chara mamumuti na agad mata mo" 

"Tangek mabagal lang talaga yan magmake up. Kahit kelan talaga di na naging mabilis yang Chaka na yan. Ano schedule ko for today?" Inabot naman saken netong bakla na to ang schedule ko. Madam dami nga.. pero dibale na maganda ako kaya ganito kadami ang projects na naghihintay saken! Belat nalang kay Juliet na alam kong inggit na inggit na saken ngayon. Sino si Juliet? laters ko nalang ikekwento.

Matapos akong mamake-upan ay naglakad na ko suot ang aking red pumps at fitted dress na 5 inches below the knee. Gano ba kahaba ang 5 inches? basta sabi kasi saken ni Richie 5 inches above the knee daw itong suot ko. Oh well towel nandito ako sa hallway papunta sa studio. Lahat ng nakakakita saken ay napapatingin. Pano ba naman muka naman talaga akong dyosa. Ay mali.. Dyosa na pala talaga ko! Malaki ba masyado ulo ko? Oo malaki talaga dahil matalino den ako! Oo na normal lang ang mainggit. Hayaan niyo na alam kong maganda den naman kayo eh.. Sa mata ng nanay niyo. Oh wag aangal! atleast nga may nagagandahan sainyo noh.  Pero wag kayo magalala. love ko kayo basta't basahin niyo tong story ko.

Nakarating na ko sa harap ng studio kasama si Richie at Chakang Chara. Hayy kahit ganyan yan sila naman ang lagi kong mga kasama. Okay share share lang. Binuksan ko na ang pinto at bumungad saken ang studio na puno ng ilaw at mga cameras na on air na maya maya. MALAMANG DIBA nasa studio ako ng Coconut Ent. eh! Iba na talaga ang maganda. *Flips Hair*

Makalipas ng ilang oras na paghahanda punyeta sana tinawag nalang nila ko kapag ready na pinagpapawisan tuloy ang precious leki leki ko nito eh. Hay nako mahirap na baka bumakat ang pawis pag nagtaas ako ng kamay. Di pa naman ako nakasleeveless. Haru haru jusko! 

Ready na ang lahat at ayan naaaaaaa ON AIR NA KAMI so ayan magsastart na ang show!

"Goodmorning Pipolets! Isa nanamang magandang araw ang pagsasaluhan natin ngayong umaga"  Sino bang tanga ang magsa-salo salo sa araw? hayy nako sabi sainyo matalino ako eh.

"So for today makakasama natin ang pinakasikat na actress sa generation naten! Alam kong kilala niyo siya! Let's Welcome, Betty B!" Nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan pa sila! May mga tarpaulin pang dala ang iba na may picture ko. Ganyan nila ko kamahal! 

So ayun onting introduction. nagcommercial at on air nanaman kami. Magsisimula na ang interview

"So Hi Betty! First time ka naming maiinterview dito. May mga Random Pips kaming kinuha upang makuha ang gusto nilang itanong sayo so ready ka na bang sagutin?"

"Yes! Reding Ready na!" nagsmile pa ko niyan ah. Oh ayan naglaway ang mga kalalakihan

"Okay first question is from Danny of Bulacan. So ang tanong niya ay Ano ang mga hobbies mo or ang hilig mong gawin?

"Well mahilig akong magluto, sumayaw at many more hehe" Oh ayan kunyare mahinhin ako. Hay nako pinagaralan ko talaga magluto para lang masabi na marunong ako. Ang totoo niyan nung first time ko magtry nagkanda sugat sugat ang daliri ko sa paghiwa ng sibuyas. Grabe ambaho pa sa kamay at daig pa ang telenovela kung paiyakin ako. Lintek na sibuyas yan

"Ohh.. well masasabi kong nasayo na ang lahat" sabi nung host! I know right! talagang nasaken na ang lahat!

"Hehehe kayo naman di naman masyado" Okay pahumble kahit na alam ko naman na nasaken na lahat!

"Second question is Ano ang sikreto mo sa pagiging sexy mo? Well madami nga talagang nagtatanong pano mo napapanatili ang sexy figure mo"

"Sa totoo lang I eat healthy foods tulad ng fruits at vegetables.. At tsaka I eat vitamins too para naman di ako mukang matanda." Nagtawanan naman ang iba. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Mga abnormal talaga. Di ba nila alam na nagpapasexy talaga ako pinipilit kong kumbinsihin na busog ako kahit gusto ko na ng karne para lang mamaintain ko tong figure ko

Andami pang mga tanong na binigay saken at nakakapagod tong araw na to. Nagopen ako ng twitter account ko at aba trending ako.. PERO PUNYETA TRENDING PALA ANG PICTURE KO! ANG PICTURE KO NA MAGANDA PERO.. PERO.. 

PINAGPEPYESTAHAN NILA ANG PICTURE KO NA JABAR ANG KILI KILI AT PAWIS! AAARRRGHHHH!!

I Am BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon