(Ang nangyari matapos akong palabasin sa classroom ng prof ko)
•
Nandito ako ngayon sa Dean's office at maya maya ay pupunta na dito ang prof ko.
Bumukas ang pinto at biglang lumitaw dun ang matandang hukluban este gwapong nilalang!! Mmmmmmm yummy!
"Mr. Taxon!" Aba at nakasunod pala ang matandang hukluban. Kung titignan, muka siyang aso ngayon na naghahabol sa napakagwapong amo. At kung di ako nagkakamali dahil matalino ako, alam kong si Mr. Taxon ay ang gwapong nilalang. Hmmmm.. Matagal tagal nadin akong nagaaral dito. Mga 2 years na pero ngayon ko lang yata nakita ang lalaking ito dito.
Tumigil yung Mr. Taxon sa paglalakad at muntik naman masubsob sa likod niya yung prof ko. Liningon ni pogi ang matanda at tinanong "Mr. Tulangib? What do you need" sabi ni Mr. Taxon sa malalim na boses. "Ah eh Goodmorning sir ahh kilala niyo po pala ako? Mr. Taxon ehh gusto ko po sana makausap ang dean" halatang kabado to ah. At Tulangib pala ang apelyido niya. Aba mapanganib! Akekekekek.
"Actually I really don't know you but I know how to read name tags." Sabay alis ni Mr. Taxon. WOW KABOG!! Aba mukang napahiya naman si payat at nako manganganib na nga ako dito! Tinignan niya ko ng masama at halatang gigil siya saken nung simabi niyang "SUMUNOD KA SAKEN NOW NA." Wooow ha now nuhhh prang Kris Aquino lang ang tono! Love love love hahahaha. At nakarating na kami sa Dean na kung saan nandun den ang macho gwapito.
"Goodmorning Mr. Taxon! Goodmorning! So andami ko palang bisita ngayon" sabay tingin ng Dean namin saamin ng prof ko at ngumiti ng nakakaloko. Aba't!! "Wala naman siguro tayong student-teacher affair dito hane?" WOW WHUTT? STUDENT TEACHER AFFAIR? MUKA BA KONG PAPATOL SA KULUBOT? YUCK LANG HA.
"Ehem.. virgin pa po ko at i-aalay ko lang ang precious body ko sa unat pa ang balat fresh at crunchy papa" Para namang sinamid ang Dean at natawa.
"Ehem" umubo naman yung Mr. Taxon na mistulang nagpapapansin. Uso ba ubo ngayon? aba kailangan ng Lagundi!
"Ohh sorry King! Nandyan ka pala nalibang ako eh." asus tong bakleng na Dean na to halata namang bakla eh.
"Uncle Rey I thought you were as serious as hell, ganito ka pala ha.." Aba at magkamag anak sila?! tapos ano? basura kami dito? nangangalay na ko ha! kaasar naman buuyyy. (tagalog na tagalog basa dyan)
"Eto naman binibiro lang kita iho." sabi naman ng baklang chuhin ng gwapong nilalang na ito.
"Soooo BETTY B. Ano nanaman ang dahilan at naparito ka NANAMAN with Mr. Tulangib?"
"Ahh ehh Dean kasi po bastos itong studyante na ito"
"BASTOS?!" napasigaw ang Dean! Aba mukang maling hinala ito ah.
"AH. NAGKAKAMALI KAYO. DI AKO BASTOS" pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"HINDI BASTOS? BASTA BASTA NALANG NAIPASOK?!" Lumalabas ang pagkabisaya mo dong!
"ANO?! NAIPASOK? HA?" naguguluhan nadin ang Dean
"BISAYA KA TALAGA LINTEK KA!" Napasigaw na ko! aba masisira career ko neto. Buti nalang kakaunti ang tao dito este kami kami lang.
"Excuse me?" Singit ni King. Yehess naman nakiki-King na ko. King ina ampogi mo!!! "I don't tolerate arguments like this in my school" singit naman niya.
"YOUR SCHOOL?!" Woaw!! so inaangkin niya ang school na ito? Ang talino ko talaga. Pwede na ko maging detective! nako naman kahit gwapo siya di siya makakalusot noh
"TIGNAN MO! BASTOS!" ABA AT MAY GANA PANG SUMIGAW TONG KULUBOT NA TO.
"Stop!" Tumingin saken si King "I am the CEO of this school Miss Bee? If you do not know.."
Lumaglag lang ang panga ko at bumagsak ang langit at lupa pero bakit lalaglag ang lupa kung nasa lapag na siya. Sinong bobo ba ang nakaisip nun. Naiimpluwensyahan ang matalas kong pagiisip.
"Excuse me Uncle Rey but i have to go"
Naiwan ako ng tulala pero maganda at sexy paden ako! hihihi
|A not-so-funny chapter here. Salamat at natapos den ang chapter na ito.|