Chapter 3

7 0 0
                                    

Hi hello morning nighty aftie o kung ano mang oras niyo to binabasa guythh. Ipod lang po gamit ko sa pagupdate kaya zorry baka may mga typo error! At tsaka college po siya dito (si betty) eh HS palang ako kaya baka may mg flaws ako. Sorry po sa iba

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang makabagbag damdamin na nangyari nung chapter 2 sa twitter. At eto ako ngayon sa school. Graduating student na ko. At tenenennn ipapasa ko na tong thesis ko sa matandang hukluban kong professor.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang classroom ko with full of confidence and energy! Suot ko ang 5-inch heels ko na mas mahaba pa sa buhok ng kili kili mo! Lahat ay napapatingin sakin pano ba naman halos humiwalay na yata ang tuhod ko sa hita ko sa sobrang confident ko maglakad noh. Lahat ng lalake at kahit babae napapatingin saken. Ganda ko kasi eh.

Habang naglalakad naman ako at malapit na ako sa room ko ay bigla namang may nakabangga saken!!

OHHH

MYYY

EGGPLANT!

Ay maliiii

REPOLYO PALAAA. SHET NAMAN EH.

Kung sino man sainyo ang kumakamta ng "this is the moment" sa isipan nila o nagaabang or nabobored dahil alam kong ang nasa isip niyo ay eto na ang makakatuluyan ko sa storyang ito dahil yun naman ang madalas mangyari, magkakabungguan ang magkakatuluyan sa kwento at magaaway at magbabangayan tapos maiinlove. PERO BELAT NALANG KAYO! IBAHIN NIYO TO NOH dahil maling mali kayo! Di eto ang typical story na nababasa niyo dahil nakabungguan ko si MANONG JANITOR.

"ANO BA---" bubulyawan ko sana kaso napatigil ako. Pag sinigawan ko siya pagtitinginan kami ng mga tao at makakagawa kami ng malaking eksena dito na hindi scripted at walang talent fee. Kailangan ko magchill at ma-maintain ang good image ko kasama ang angelic face ko.

"---naman tong kamay na to" sabay tingin ko sa kamay ko. "Ang clumsy ko ho ano? Sorry po manong ha" at mgumiti ako ng pagka tamis tamis sakanya. Alam ko magsosorry to at pupurihin ako dahil mabait ako.

Pero kasabay nun ang pagbaligtad ng mundo at kabaitan na hindi sinalo ng taong to.

Sumimangot siya saken na ikinagulat ko naman. Ba't naman kaya?! Eh siya na nga tong nakabunggo saken! ANG KAPAL NG LIBAG SA KATAWAN. Wala sa muka. Dahil libag na ang buong muka niya!

"ABA'T BASTOS KANG BABAE KA AH" Ako? Bastos?! Whyyy oh whyy?! Di naman ako manyak at di ren ako nakahubad. Binitawan ni manong bigla ang mop niya na medyo nakakakuha na ng attention ng mga chismosa't chismoso.

"MANONG?! AKO? MANONG?! MUKA BA KONG LALAKE HA" O-M-G!! T-boom si manong este manang! Nagmamadali kong dinampot ang mga gamit ko at pumasok na ng classroom. Magpeace sign nalang ako kay manang bago umalis. Wooh grabe naman ohh. Iba na ngayon! Andami nang babae na mukang lalake. Ako nalang yata ang babae na mukang babae talaga! Joke..

So eto na nga.. Nalate tuloy ako dahil sa manang janitress na iyon. Kailangan chin up padin ako para di ako magmukang kawawang muning dito kaya naglakad ako ng parang model at binuksan ng malakas ang pinto na medyo napasobra sa lakas na nakakuha ng attention ng mga taong may ulo na paa. Este mga tao lang pala talaga na may ulo na may muka hehe. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang prof naming payatot na akala mo hinigupan ng oxygen at sobrang payat at kulubot ang balat.

"Ms. Bethinolia Arena Fortuazon A.k.a BETTY B. kung may balak kang manira ng klase o pinto ay wag naman dito dahil nabubulabog mo kami" aba't?! FULL NAME PA HA. Matanda na to ang kapal ng balat. Pero dahil kami ay kaharap ng madla at ayoko makalikha ng panget na image ay huminahon ako.

"Pasensya na po Mr.--" umm ano nga ba pangalan neto. Wait ano ba yun Mr. Tuling? Hindi eh. Tinga? Ay hindi naman siguro? Ummm ano nga baaa. Hanggang sa makita ko ang notebook ng isa kong kaklase na may nakalagay na "Mr. Tulangot" na may nakadrawing na lalaking malaki butas ng ilong na hawig ang prof namin. AHA! Eto yata ang pangalan niya!

"Mr. Tulangot sorry po" at nagpacute pa ko. Eto sureball na to. Lalaki to. Di na ko magkakamali this time.

Nagtawanan ang mga kaklase ko lalo na ang may-ari ng notebook. Ano meron?

"MS. FORTUAZON! HINDI AKO ISANG BOOGER. AT KULANG NALANG AY YON ANG SABIHIN MO! GET OUT!!!!" Galit na galit ang prof ko habang tawa naman ng tawa ang mga paa este mga kaklase ko. HAY NAKO NAMAN. Malay ko ba eh konting tao lang ang natatandaan ko at yun ay kung may role ka sa napakaimportanteng buhay ko atsa storya na to.

I Am BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon