One shot stories

16 0 0
                                    


Darya POV's 

" Nanniiiiii nandito napo ako "

" o anak nandiyan kana pala kanina ka pa ba? "

" Hindi po kakarating kolang po " 

" Ganun ba? Di kasi kita naririnig na tumatawag halika at kakain na tayo ng hapunan" 

Tumuloy ako sa kusina kasunod ko si nani sa likod at pumwesto na kami sa hapag kainan. 

" Anak kamusta ang training mo? Napagod kaba? gusto mo masahiin kita pagkatapo? "

" Ay! Nani wag na po okay lang po ako tsaka pagod rin kayo galing sa pagtitinda"

" Sige basta pag kailangan mo ng masahe andito lang ako. sige kumain kana at damihan mo ang pagkain mo at pumapayat kana" 

nagtawanan nalang kami ni Nani pagkatapos niyang sabihin  yun. 

" Nani, itatanong ko lang po saino po yung tao sa likod ng pagpapadala ng pera sa bank account natin? "

" Hay! Naku anak malalaman mo rin yan pag dating ng araw basta ang mahalaga pag dumating ang araw na iyon ay kaya muna ang sarili mo anak. " 

" Sige po nani salamat po :) " 

tahimik kaming kumakain ni Nani at walang nagsasalita sa amin siguro dahil narin sa pagod. 

" Nani aakyat na po ako goodnight po "

" Sige anak magpahinga kana " 

Umakyat na ako sa taas ng kuwarto at naglinig ng katawan at   nahiga na sa kama. Takte di ako pinapatulog ng misteryosong tao nayun sa likod ng bank account savings namin, napa buntong hinginga nalang ako sa sobrang pag-iisip kung sino man siya siguro tama si Nani na darating din ang araw at malalaman ko kung sino siya. At pag dumating ang araw nayun lubos akong magpapasalamat sa kanya sa sobrang kabaitan niya. 



*Nani POV's *

" Anak bumangon kana at alas kwatro na ng madaling araw maaga pa ang training mo. " 

" Opo Nani babangon na " 

" Sige hihintayin kita sa kusina at sabay na tayong mag-aagahan" 

hindi ko na hinintay ang isasagot niya nag tungo nalang ako ng kusina upang ihanda ang kakain niya. 

" Nani tara kain na po tayo " 

" Heto ang kainin mo masarap yan inutang ko pa yan kay aling bebang diyan sa tindahan. "

" Nani naman diba po sinabi ko na sa inyo na lahat ng pera sa bangko ay para sa ating dalawa ho iyon. "

" Anak hayaan mo na para sa iyo yun at hayaan mo na ako ang gumastos ng pang kain dito sa bahay. " 



*Darya POV's*

"Sige ho Nani basta pag kailangan niyo ho  ng pera sabihin niyo lang sa akin. "

tumango nalang si Nani bilang pag sang-ayon. Binilisan kona ang pagkain ko at sabay na kami ni Nani na umalis ng bahay. Dumeretso na ako sa training hall pagkatapos kong maihatid si Nani sa palengke. 

" Darya ang aga mo ata ngayon? "

" Excited nako sa training natin dahil alam kong ito na yung last. "

wala akong pasok ngayon kaya uubusin ko lahat ng oras ko sa training. Dumiretso na kami sa quadrangle dito na sisimulan ang ang firing, archery, dart. 

Day is the nightWhere stories live. Discover now