DEAR EMMA CHP. 1 (TEASER CHAPTER)

1.4K 27 5
                                    


Chapter 1

August 4, 1998

Dear Emma,

Kung kailangan kong mamili sa pagitan mo at ng isang aso na itutulak ko palabas ng bangka para hindi ito lumubog sa gitna ng bagyo, hindi ako

magdadalawang-isip na ikaw ang piliin.

Sorry. Maging mabait daw kasi tayo sa mga hayop.

Pero kung magkakabuntot ka, baka magbago pa ang isip ko. Bakit kasi sungay lang ang meron ka?

'Yun lang.

Your enemy,

Jacob.

******

AUGUST 1998

Jacob...

Napangiti ako nang tumingin sila sa akin pagkabasa ng letter ko. Grabe! Walong papel din ang nasayang sa 'kin bago ko nagawa 'yang letter na 'yan. Siguro naman okay na 'yan!

Sawang-sawa na 'ko gumawa ng sorry letter para sa kanya. Kung tutuusin, ito nga lang ang pinakatotoo sa mga binigay ko sa kanya noon.

Bakit kasi puro ako lang may kasalanan samantalang lagi siyang nambubwiset sa 'kin?

"Pupusta ako ng one hundred pesos, bukas na bukas sasabihin ng principal natin na expelled ka na," sabi nitong si Lou.

Sabay-sabay namang tumango itong iba ko pang kabarkada. 7

"Ano ka ba naman, Jacob. Sorry letter hinihingi sa 'yo, hindi death threat," dagdag naman ni Cedie na kumakain ng lunch. "Ihulog mo ba naman sa tubig si Emma?Iba ka!"

"Nag-sorry ako!" sigaw ko. Hinatak ko 'yung letter sa kamay ni Ferjie. "Ito oh." Sabay turo sa salitang sorry na sinulat ko.

Nagkanya-kanya naman silang ismik.

Unang nagsalita si Ferjie. "Hindi ka man lang nag-sorry kasi tinulak mo siya sa corridor—."

"Hindi ko siya tinulak!"Natabig lang?

"Sabi mo, eh," sabay-sabay nilang sinabi.

"Mukha n'yo kaya na naka-post sa mga bulletin boards 'yung lagyan ng malaking ekis tas may nakasulat na 'bading ako,' hindi ba kayo magagalit?! Sige nga. Ikaw, Don?"

Hindi siya sumagot sa sakin dahil tuloy lang siya sa pagkopya ng assignment sa notebook ko.

Kaya hinila 'ko 'yung notebook ko para tumingin siya sa akin.

"Naman, oh!" reklamo niya."Oo na. Kung ako baka sinapak ko 'yun—AH! ANO BA?"

Hinampas kasi siya nitong iba. Ewan ko ba kung bakit pinagtatanggol pa nila 'yung isang 'yun. Bukod sa pangit ang mukha niya, pangit din ang ugali. Akala nila anghel ang isang 'yun. No! She's not. Yuck!

Totoo naman, eh!

May sungay 'yang si Emma, at ako lang ang malas na tao dito sa campus, o sa lugar namin, ang nakakaalam. Tapos kapit-bahay ko pa siya? Katabi lang namin ang bahay ng cyborg na 'yun. Gusto nga ng Dad ko na kaibiganin ko siya dahil anak siya ng best friend at business partner niya.

Eww. No way!

Pangit kaya ng braces niya! Lalong nakakasar kapag ngumingiti siya sa 'kin para inisin ako! Haba pa ng buhok, akala mo manananggal. Kaya nga kapag uma-attend siya ng game namin sa basketball, at nakikita ko siya? Nasisira ang araw ko.

DEAR EMMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon