July 24, 1999
Dear Emma,
Nabasa mo ba 'yung mga sulat ko sa 'yo? Natanggap mo ba? Nakakailang sulat na 'ko pero hindi ka sumasagot. Sabi ko kahit iwan mo na lang sa drawer ng upuan mo tapos ako nang kukuha 'pag uwian na. Galit ka pa rin ba? Bahala ka. Ikaw na nga 'tong sinusuyo, ayaw mo pa. Last na 'to. Kapag 'di ka pa sumagot, 'di na 'ko susulat sa 'yo.
'Yun lang.
Your enemy who's sorry,
Jacob.
*****
JULY 1999
Jacob...
Halos isang taon na simula nang huli kaming mag-usap, o mas tamang sabihin na huling nag-away, ni Emma. After that day nang mabasa ko 'yung letter niya, hindi na 'ko tinigilan ng konsensya ko. Nag-decide ako na humingi ng sorry sa kaniya. Kaso sa tuwing lalapitan ko siya, nilalayuan niya 'ko. Nawiwirduhan na nga rin ang tropa bakit ko nilalapitan si Emma.
Wala kasi talagang lumalapit sa kaniya para kaibiganin siya.
Mas lalo tuloy akong nainis sa sarili ko. Napatunayan kong sincere si Emma nang sabihin niyang gusto niya 'kong maging kaibigan dahil ako lang ang pumapansin sa kaniya – kahit na ang totoo, pinapansin ko lang siya para asarin.
"Make sure na magpahinga ka, Jacob. Update mo 'ko sa kondisyon mo. Malapit na ang play offs."
"Yes, coach."
Umalis na 'ko sa office ni Coach dito sa gym pagktapos. Kinuha ko ulit 'yung bag ko sa locker room para makauwi na. Kaso hindi pa 'ko nakakalayo sa gym nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"HAKOWB!!!!"
Lumingon ako at nakita kong patakbo sa direksyon ko sina Cedie at Ferjie. Pagkarating nila...
"Oh, bakit 'di pa kayo umuuwi?" tanong ko.
May mga bitbit silang meryendang fishball at kwek-kwek.
"Manunuod sana kami ng practice mo, eh," sabi ni Ferjie.
"Wooh! Sabihin mo, manonood ka ng mga girls na nanonood ng practice nila!"
"Asanes! 'Di, ah. Pero, Jacob, uwi ka na?"
"Oo, 'di maganda pakiramdam ko. Sabay kayo?" tanong ko.
"Gegege, gusto ko na maghapunan," sagot ni Cedie.
Nag-umpisa na kami maglakad.
"Hapunan?! E hapon pa lang."
"Kaya nga HAPON-an e. AHAHAHA!"
Tuloy pa rin ang kwentuhan nilang dalawa nang mapahinto ako sa paglalakad. Si Emma 'yun, ah!? Tumatakbo palabas ng gate.
"Bakit, Jacob?" tanong ni Ferjie.
Hindi ko na siya nasagot kasi napatingin ako sa grupo na naman nung mga siraulong kaklase ni Emma na sigurado akong hinahabol siya.
"JACOB!!!" sigaw nila ni Cedie dahil tumakbo na 'ko sa direksyon nung mga lalaking 'yun para harangin sila bago pa sila makalabas ng gate.
Matatangkad sila kaysa kay Emma, pero hindi sa 'kin! Kitang-kita naman 'yung pagkagulat nila dahil hindi ito ang unang beses na hinarap ko sila. Hindi pa sila nakakasalita nang makita kong may bitbit silang mga maduduming basahan.
Halata naman ang pagbabago ng mga expression ng mukha nila na mula sa mga mukhang excited ay naging gulat at takot. Tch! Dapat lang!
"'Di ba sabi ko tigilan n'yo nang pagloloko kay Emma?!"
BINABASA MO ANG
DEAR EMMA
RomanceLove stays forever...? Memories...don't. JACOB I have a confession to make. I don't know them and I don't know who I was then. Pretending I know everything despite this Dissociative Fugue brain condition will not hurt anyone, right? NO. Hindi mo pa...