THREE

467 7 3
                                    


THREE


July 8, 2001

Dear, Emma.

Ano'ng tawag sa taong ngumingiti o tumatawa kahit walang dahilan?

PLEASE, REPLY.

A-S-A-P!

Nga pala, ang pangit mo sa ipit mo. Please, pakialis.

'Yun lang. ('_')

Your enemy since 1998,

Jax.

**

July 9, 2001

Oy!

Ang tawag du'n - baliw!!! Bakit? Sino'ng gumagawa nu'n? Ikaw? HAHAHA! Oooy! Nga pala, hiramin ko ulit 'yung book mo sa Sibika. Balik ko rin.

Nga pala din, ang pangit ng mukha mo. Please, pakialis.

'Yun lang din. (,'')

Your enemy since birth,

Emma.

**

July 10, 2001

Dear, Emma.

Hindi ba in-love kapag gano'n??? And, please... HINDI. AKO. BALIW. Ikaw 'yung baliw! 'Yan na 'yung book ko. And, please ulit! 'WAG MO NA SABING IBALIK SA 'KIN 'YAN!

Gwapo ako. ASA.

'Yun at 'yun lang din. (^_^)

Your enemy ever since the world begun,

Jax.

***

August 2001

Jacob...

Hating-gabi na at nandito pa rin ako kina Emma. Tulad ng dati, nandito kaming dalawa sa ilalim ng puno kahit sobrang dami ng lamok. Magdala na kaya ako ng katol next time?

Matagal na rin simula nang mawala si Dad. Pinagbawalan ako ni Mom na makipagkita kay Emma kaya patago kaming dalawa na nagkikita. Ang sabi kasi niya...Papa raw ni Emma ang may kasalanan bakit namatay si Dad.

Pero dahil mabait akong bata...lagi pa rin akong nakikipagkita kay Emma.

"Nag-review ka na ba?" tanong ni Emma habang nagbabasa pa rin.

"Ayoko na. 'Di naman ako makapag-concentrate. Mag-da-drop out na lang—AH! BAKIT NAMAMALO KA!??"

Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin nang magsalita siya.

"Wag kang baliw. Umuwi ka na sa inyo. Mag-review ka," tahimik niyang sabi.

"Ayaw."

Kng wala si Emma sa tabi ko, tingin ko mababaliw ako sa dami at bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. Pagkawala kasi ni Dad...halos magbago nang sobra ang ugali ni Mom. Lagi siyang mainit ang ulo at ayaw akong paalisin ng bahay bukod sa pagpunta sa school. Kahit basketball, hindi na pwede. Ang tropa hindi ko na rin nakikita. Mga kamag-anak namin na kasali sa business ni Dad, lumalayo sa 'min dahil sa agawan ng assets.

Ayokong pati si Emma mawala sa 'kin.

Kaya eto, kailangan ko pang sabihin kay Emma na 'wag niyang ilalagay ang pangalan ko kapag sumusulat siya sa 'kin, at ibang pangalan naman ang gagamitin ko kapag susulat ako sa kaniya. Iwas ebidensya na rin. Daming pakielamero pa naman sa campus. At least makakatanggi kami parehas na may koneksyon kami sa isa't isa.

DEAR EMMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon