Chapter one

5 0 0
                                    

Tyron pov.

Ako nga pala si tyron ian park, may lahing korean dahil kay mama, 22 years old, pumapasok sa valderama international school, a scholar with an allowance. Nakapasa ako ng mag apply for scholar, kapalit nun ay mag tatrabaho ako monday to friday ng isang oras sa library, magaan lang naman ang trabaho dahil mag aayos lang ng libro saka i love books, sa itsura ko namang matangkad nga pero wala manlang muscle at salaming sobrang taas ng grado alam ng isa akong nerd. Hindi ako nahihiya sa sarili ko dahil graduating na ako sa kursong law, ang dahilan kung bakit iyon ang napili kong course ay si papa. dati kasi kaming maykaya pero sinet up si papa, at iyong kinuha niyang attorney ay nilaglag siya o mas tamang sabihing binenta ang kaso. kaya ko gustong maglaw to help others.


Naglalakad ako ngayon dala ang aking bag saka bitbit ang tatlong makakapal na libro, ng makasalubong ko si benedict isa ring scholar katulad ko na ang kurso naman ay med.

"Oy ian, ikaw naman, tapos na ang shift ko saka paumpisa na yung next class ko" nagmamadaling wika nito saka ako nilagpasan, ang tinutukoy niya ay yung pag aayos sa library. Iba iba iyon per day dahil tinitingnan sa schedule namin ang magiging oras ng trabaho, pag sobrang demamding ng course ay dapat ma reach niya iyong 5 hours a week.

Tumango ako kahit na hindi niya na nakita iyon, nakangiti akong naglakad papuntang library. Actually sobrang gaan lang ng trabaho sa library, dahil kokonti lang naman na halos ang nagbabasa dito at madalas pa na pumunta ay para lang matulog dahil sa tahimik at malakas ang aircon.

Dirediretso akong pumasok sa loob at tinanguan si miss perez, isang masungit na matanda dahil walang asawa, pinatong ko sa isang desk ang gamit ko kasama ang mga libro saka umikot sa mga shelf ng libro para tingnan ang pagkakasunod sunod nito kung tama, may mga pasaway kasi talaga na sa sobrang pagmamadali ipinapasok na lang basta ang libro sa shelf kahit na hindi doon kinuha.

Para malaman ay may list kami nito, list kung ilang libro at ang pagkakasunod sunod, dahil nga sikat ang paaralan benteng libro bawat title, kaya asahan mo ng sobrang laki nitong library. Anim pa ang aircon na sa ibang room ay tatlo lang o minsan dalawa.

Pwede siyang ihalintulad sa library ng harry potter na may di hagdan din .

Ng matapos sa pagiikot ay kumain iyon ng isang oras at buti na lang may baon akong lunch kung hindi ay bibili pa ako sa cafeteria na malayo dito. Bawal kumain sa library pero kung dun ka kakain sa tabi ni ms perez ay pwede, close kasi kami kahit na masungit siya.

"Oh paano po , papasok na ako sa next class ko" paalam ko kay ms perez ng matapos akong kumain.

Nakangiti itong tumango bago nagwika, "may baon ka ba nak?" Nakangiti nitong wika.

"Opo nay, sige una na ho ako!" Wika ko dito saka lumabas ng library, anak ang turing niya sa akin at pangalawang ina ang turing ko sa kanya. Wala kasi siyang anak kaya marahil ay ganun ang turing niya sa akin, mabait siya sa akin, mula sa assignment project at financial ay tinutulungan niya ako. Iyon ay pag nahingi ako ng tulong na minsan lang nangyayari pag gipit sa pera at sa oras.  Kahit na meron kasing allowance at libre lahat na talagang sobra pa sa akin, ay nagkukulang pa din gawa ni lola, si lola na lang ang kasama ko sa bahay at may mga gamot siyang maintenance na dapat kung inumin, kaya bukod sa pag aaral ng mabuti may part time job ako tuwing sabado at linggo sa isang kaibigan bilang crew sa restaurant niya. sa trabahong iyon ko kinukuha ang pang gamot ni lola.

Gwapo ako kahit na payatot, kaya may tumitingin din sa aking mga estudyante, mga kadalasan ay babaeng medyo nerdy din.

Pumasok ako sa next class ko at kokonti pa lang kami sa loob, mahigit twenty student per room kasi at lilima pa lang kami sa loob.  Pinasadahan ko ng basa iyong pag aaralan namin ngayon.

My actress girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon