Diabulos Chapter 3

2 0 0
                                    





Lyshaine Martinez's Point of View





"Lahat ng papuntang DS ,sumunod sakin! "Sigaw ng isang lalaking medyo may edad na rin pero halatang maganda ang pangangatawan nito.

Nandito na pala kami sa isang Weird pero Napakagandang Isla. Pababa na'ko ng Barko ng may bigla akong nakabangga or should I say bumangga sakin. Ayan! Hulog tuloy mga gamit ko.

"HOY! "Sigaw ko dun sa bumangga sakin. Tumingin naman ito sakin ng may nakakalokong ngiti tapos umalis na ito.

"Aba't! Bastos naman ng lalaking 'yun! "Bulong ko saka pinulot yung mga gamit ko na nahulog. Kainis! Bakit ba kasi may mga taong nangtritrip at napag-tri-tripan! Life is Unfair!

::>_<::

Inis akong bumaba ng barko at sumunod dun sa lalaking may edad na. Naglalakad na kami ng mapansing ang kunti lang namin. Lumapit ako sa isang babaeng weird kung tignan pero maamo ang mukha.

"Amn! Miss. Alam mo ba kung bakit ang liit lang natin? Maliit lang ba yung mga naka-enroll? "Tanong ko. Tumingin naman ito sakin na parang naiirita. Problema neto?

"In the first place. Pareho lang tayong bago dito. Pangalawa hindi tayo maliit dahil malaki na tayo. At pangatlo. Tanungan ba ako? "Sabi neto bago lumayo sakin na nakataas ang kilay. Nyemas! Nagtatanung lang ako. Akala mo naman napaka-big deal nun.

Hindi nalang ako nagsalita at sumunod dun sa lalaking may edad na. Bakit parang ang layo na namin? Naliligaw na yata si Kuyang may edad na e.
Aish! Pagod na ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ng may parang isang malaking wall na akong natatanaw. Kumurap-kurap pa ako. Totoo ba ito ?Paaralan ba talaga ito? Hanggang sa makarating kami sa isang napakalaking Pintuan.

Oo! Pintuan at hindi gate. Makikita sa taas ng Pintuan ang nakasulat na 'Diabulos School'.

Kinilabutan naman ako sa nabasa ko .
May ganyan bang paaralan? Feeling ko abnormal yung may Ari ng paaralang ito e. Hindi naman kasi ako bobo para hindi malaman na ang 'Diabulos' ay isang Latin word na ang ibig sabihin ay Devil.

Binuksan nung kuyang may edad na yung pinto. Tapos nag-sign siya na pumasok na kami. Kaya sinunud naman namin. Pagkapasok ko.

(⊙o⊙)

(*kurap*)

Is it a dream?

If yes. Please wake me up. Huhu! Scary! Pag-kapasok ko. Nakita ko ang isang Gate na napakalaki. Tapos nakasulat sa Font na parang Dugo yung 'Diabulos School'. Tapos sa baba neto. May makikita kang school of devils.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Yung reaction nila ay parang prenteng prente lang sila. Bakit ganyan lang yung reaction nilang lahat? Ako lang ba ang hindi nakaka-alam nito?

May naramdaman naman akong parang may nakatingin sa akin. Kaya lumingon lingon ako hanggang makita ko siya. Yung babaeng kuma-usap sakin kanina sa barko.

Mukhang napansin niyang nakatingin na din ako sakanya kaya ngumiti ito bago umiwas ng tingin. Weirdo!

Bigla namang bumukas yung gate kaya nakita ko na yung kabuuan ng Diabulos School. Napanganga ako sa laki at lawak nito. Tapos may fountain pa na kulay dugo yung tubig. Creepy!

Diabulos School Where stories live. Discover now