Lyshaine Martinez's Point of View
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
Gusto kong umiyak kahit di'ko alam yung nararamdaman ko.
Parang pinipiga yung puso ko.
Biglang sumakit yung ulo ko. Aggghh! Nyemas! Bakit ngayon kapa sumakit? Aish.
Pero bakit?...
Hindi ako makahinga...
May sakit na ba ako? Please. God! Help me!
Yung mata niya...
Walang ka-emo-emosyon. Tapos parang feeling ko napapaligiran siya ng Black Aura.
Sino ba kasi siya?
Sunod-sunod akong lumunok. Hinihila ko yung kamay ko pero hindi niya binibitawan. Ang lakas niya! Tapos humihigpit yung pagkakahawak niya. Ang sakit na ng kamay ko! T^T
"A-aray! M-m-masak-k-kit! "Halos maiyak-iyak na sabi ko. Huhu. Bwisit kasing 'curiosity' na yan e. T^T
Bigla namang lumuwag yung pagkakahawak niya sakin kaya hinila ko agad yung kamay ko. Tumayo na ako at pa-alis na nung mapansing may bahid ng dugo sa kamay ko.
⊙﹏⊙
Hinawakan ko yung parteng may bahid ng dugo. Kinapa-kapa ko yung kamay ko. Wala naman akong sugat ah! Atsaka hinawakan niya lang naman ako ng mahigpit. Hindi naman niya ako sinugatan.
Hindi ko alam pero tinignan ko yung kamay niya.
⊙﹏⊙
Yung k-kamay niya.
M-may dugong umaagos doon. Holoooo! Dun pala nanggaling yung dugo. Tumingin ako sa mata niya at nakita kong nakatingin pala ito sakin.
Nanigas naman ako bigla nung makitang ang sama ng tingin niya sakin.
::>_<::
Shunga ko talaga! Dapat pala ay kanina pa ako tumakbo palayo sakanya.
Pa-alis na sana ako nung mapatingin ulit ako sa kamay niya. Grabe ha! Wala ba siyang nararamdaman? Manhid kaya siya? Tao pa kaya siya? Tss. Bahala na nga siya sa buhay niya. Mamaya ma-late pa ako. Aish!
Tumalikod na ako. Naglakad na ako palayo sakanya nung maisip ko ulit yung kamay niya. Waaaa~ hindi ko naman kasalanan yun e.! Siya pa nga yung humawak sakin at nasaktan ako dun. Kaya wala akong responsibilidad sa sugat niya.
Naglakad na ako ulit. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung kamay kong may mantsa ng dugo. Nyemas! Hindi ba mahapdi yung sugat niya? Mukha pa namang malalim yung sugat niya! Aba't paki ko ba?
Ewan ko pero naramdaman ko nalang yung sarili kong papalapit ulit sa kinaroroonan niya. Ang shunga mo talaga Lyshaine! Sige ipahamak mo pa yang sarili mo! Tignan lang natin.
YOU ARE READING
Diabulos School
Mistério / SuspenseThis school is full of devils ! (not literally) Students that has evil secrets. Life is a Competition for them! Weird School that has a Weird Students! No one can predict what will happen when you enter this school. because all of them has a one...