PROLOGUE

22 1 0
                                    

Tick tock

Tick tock

Kring~~

Binato ng cellphone ni Soreen ang alarm clock sabay bangon niya para gisingin ang apat na babaeng nagmimistulang sleeping beauty 'kuno'

Agad siyang nagdasal bago nilisan ang kanyang kwarto para maghilamos sa banyo.

Gaya nang kinagisnan niyang ginagawa, kumuha siya ng isang basong tubig at pumunta sa kwarto ng pinakamatulugin at mahirap gisingin sa lahat.

Si Kylle.

Nasa pinakadulo ng hallway sa second floor ang kwarto ng chubby but cutie na si Kylle.

Pinihit niya ang door knob at tumambad sa kanya ang tulog na tulog na si Kylle na ang ulo ay madali ng mahulog sa higaan nito. Bale ang paa nito ay nasa may headrest at ang ulo nito ay madali ng mahawakan ang sahig.

Natawa na lamang si Soreen sa hitsura ni Kylle. Binuka ng mahina ni Soreen ang bibig ni Kylle sabay tapon rito ng tubig.

Napahagalpak naman ng tawa si Soreen nang makita ang nabiglang mukha ni Kylle habang nabibilaukan ng tubig.

"Ate Soreen!!!" Sigaw ni Kylle sabay nahulog sa higaan nito at may tumatalsik na tubig sa bibig nito.

Di' siya pinansin ni Soreen, di' pa rin ito tumitigil sa pagtawa.

Maya-maya pa'y nahimasmasan ito nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Frances na oily ang mukha.

"Tama na yan, kumain na tayo, nandun' na yung dalawa sa baba," Bigkas ni Frances. Tumayo na si Soreen at sinundan si Kylle sa banyo nito.

"Halika na raw Kylle," Pag-uulit nito sa sinabi ni Frances sabay alis na rin nito sa kwarto ni Kylle.

....

Kita sa mukha ni Kylle ang kulang sa tulog. Paano ba naman kasi, alas-dose na siya nakatulog dahil sa kaka-stream sa BTS.

Indeed nga, kayang gawin ng KPOPER kahit ano para sa idol nila.

Bago siya bumaba, naligo na siya diretso para di' na siya pabalik balik sa kwarto nito.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang bumaba para sumabay sa apat na kumakain pa rin hanggang ngayon.

....

Kahit tahimik lamang si Jairah na kumakain, di' pa rin nito napigilang tumawa sa sarili nitong isip habang kinukwento ni Ate Soreen niya ang ginawa nito sa bunso nila na si Kylle.

Binitawan niya na ang kubyertos at agad na pumunta sa lababo para magtoothbrush ng walang imik.

Sanay na ang mga pinsan nito na wala itong imik, pero himala ito kung magsalita man ito kahit isang salita.

Dumiretso si Jairah sa kanyang kwarto para kunin na ang mga gamit.

Nakita niyang tahimik na tinitingnan siya ng mga pinsan niya habang siya ay papaalis.

.....

"Sanayin na natin ang mga sarili natin na ganyan na talaga siya Guys," Pambabasag ng katahimikan ni Juliana ng katahimikan. Kukuha pa sana siya ng hotdog ngunit pinigilan siya ni Kylle.

"Akin na yan," Pagsasaad niya na may ma-awtoridad na tono. Mahinang natawa na lamang si Frances sa sinabi ni Kylle.

Linisan niya na ang kusina upang mag-ayos na sa pagpasok. Sumunod naman sa kanya si Soreen para maligo na rin.

Naiwan si Juliana at Kylle sa hapag kainan na nagtatalo kung kanino mapupunta ang hotdog.

"Kanina ka pa kain ng kain eh! Kadarating ko lang kaya akin na to!" Sigaw ni Kylle na may pagkainis.

Hindi nagpahalata si Juliana na natatawa na sa inaasta ni Kylle.

Sa huli, binigay na lamang ni Juliana ang hotdog kag Kylle dahil na rin alamn niya na, matakaw ito.

St. Cedric AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon