C1- Unang Araw

24 2 0
                                    

Soreen's POV

NAPATIGIL ako sa pagsusuklay ko ng aking buhok dahil sa sunod na sunod na katok sa aking kwarto.

"Pasok!" Sigaw ko sabay baling naman ng aking atensyon sa gamit ko para ayusin ito.

Bumukas ang aking pinto at niluwa nito si Frances na ready na sa pagpasok.

"Halika na Ate Soreen, nagrereklamo na si Jairah sa baba," panimula niya. Sinukbit ko na ang aking bag at nilisan na ang aking kwarto sabay sumunod sa kanya pababa.

Nakita namin si Jairah na nasa tapat na ng pintuan habang magkasalubong ang kilay nito. Galit na siguro.

"Unang araw, Bad empressions?!" Sigaw niya sa amin. Di na kami nagsalita at sumunod na sa kanya paglabas.

.....

St. Cedric Academy

I'm already in my 4th year in this school habang ang apat na ito ay mga baguhan pa lamang.

Si Frances at Juliana ay galing sa National Gregorio High School, Si Jairah naman ay galing sa Semi-Private School na Prinston University at si Kylle ay galing sa Denver State University.

Napag-usapan namin na tumira sa iisang bahay and here we are! Tinupad ni Mom ang hiling namin na magsama sama sa iisang bahay.

Hindi lang sa iisang bahay, pati sa iisang school. 4th year ako, 3rd year si Frances at yung tatlo ay 2nd year.

Sabay sabay kaming bumaba ng family service namin. Nakita ko ang pagkamangha sa mata ng apat. Well, di ko sila masisi, maganda ang St. Cedric, pero most of ang students, hindi.

Pero exception ang mga mukha, madaming gwapo dito!!!

Liningon ko silang apat.

"Guys, punta na tayong Bulletin?" Yaya ko sa kanila para malaman na nila kung anong section nila.

Bale, lahat naman dito matalino, before kasi makapasok dito sa St. Cedric, kailangan munang dumaan sa entrance exam at sa interview.

Hindi sila tumatanggap ng mga students na ang average ag 85 pababa. Pagbumaba ka man sa average na yan at estudyante ka ng St. Cedric, agad na tanggal ka dito.

Walang pakealam ang school kung malalandi man ang estudyante or magpatayan man kayo, only matters ay ang grades. Bawal pabayaan ang grades or else dalawa lang ang hahantungan mo,

Drop out or Death

.....

Frances' POV

I still can't believe that Mom let me decide on my own. I have reasons why I agreed with my cousins to study in just one school.

First. Firstly is to forget. Forget to a dickhead named Bibo. Di' nga bagay ang pangalan niya sa mukha at ugali niya eh.

Second. Second is to stand up and gain my confidence again. Masyado na akong naisyu sa School na yun dahil sa kapatid ni Bibo at sa plastic friends ko doon. Well, hindi naman lahat pero andami na kasi nila, napapalibutan na ako eh,

Nakipagsiksikan kami sa kumpulan ng estudyante sa may bulletin.

Nakita kk silang nasa unahan na kaya't nakipagsiksikan na rin ako pero bigla akong napa-upo dahil sa may tumulak sa akin.

"Step out of my way," Tiningnan ko kung sino ang nagsabi nun,

Gwapo! Ay erase! Pangit ugali niya! Baka gaya lang siya ni Bibo.

St. Cedric AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon