Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning lihim ng nais tandaan,bawat dahon niya ay kinalalagyanng isang gunitang pagkamahal-mahalKaluping maliit sa tapat ng pusoang bawat talata'y puno ng pagsuyo,ang takip ay bughaw, dito nakatagoang lihim ng aking ligaya't siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilalaat tila Mayo rin nang magkalayo na;sa kaluping ito nababasa-basaang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at arawng aking ligaya at kapighatian...isang dapithapo'y nagugunam-gunamsa mga mata ko ang luha'y umapaw...Anupa't kung ako'y tila nalulungkotbinabasa-basa ang nagdaang lugod;ang alaala ko'y dito nagagamot,sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapitdala mo nang lahat ang tuwa ko't hapis;kung binubuksan ka'y parang lumalapitang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas naang lumang pagsuyo'y naaalaala,O, kaluping bughaw, kung kita'y mabasamasayang malungkot na hinahagkan ka...
May ilang bulaklak at dahong natuyona sa iyo'y lihim na nangakatago,tuwi kong mamasdan, luha'y tumutulotuwi kong hahagkan, puso'y nagdurugo.
Isinulat ni: Jose Corazon De Jesus
BINABASA MO ANG
Ang mga Tula
PoetryAng seksyon na ito ay naglalaman ng mga tulang tatak Pilipino mula noon hanggang ngayon.