Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

1.3K 4 0
                                    

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.

Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod:

Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw

Ang inaasahang araw na darating

Ng pagkatimawa ng mga alipin

Liban pa sa bayan saan tatanghalin?

Sa aba ng abang mawalay sa bayan

Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay

Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat
Ng bala-balaki't makapal na hirap
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag

Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig

Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis

Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit

Ito'y kapalaran at tunay na langit

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa

Aling pag-ibig pa wala na nga wala

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa

Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala




Isinulat ni: Andres Bonifacio

Ang mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon