CHAPTER 19

131 7 20
                                    

Dheb Allure's POV

Ano daw?!!

'kaya ko'
'kaya ko'
'kaya ko'
'kaya ko'

Nababaliw na ba sya?! Kung may plano syang pahiyain ang PA, pwes mas maganda kung wala nalang mag re-represent. Anong akala nya sa Car racing? Madali lang? Ha! Anong akala nya sa ipapatakbo nya, Kariton?! Na itutulak mo lang para umandar?! Hindi eh! Kotse yan, kotse! Ibig sabihin karera yan, karera!

"A-are you serious a-about this Ms Montev--" hindi na ituloy ni JM ang sasabihin nya ng tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan ko si pulubi. Tingin nang isang 'Dheb Allure Relevez" yun tipong tingin pa lang mangamba kana.

"What are you talking about?!" tanong ko sa kanya at tinignan nya ako na parang wala lang.

"What are you talking about?" pabalik na tanong nya saakin. Nakita kong bumungisngis si Rique sa tabi ko at ngumisi naman si Anna sa pwesto nila.

"Are you making fun of us?" pigil na inis kong tanong sa kanya. Bweset na babae to ha!

"What happened to you?" tanong nya saakin na naging dahilan para mas lalong lumakas ang bungisngis ni Rique at kunti nalang ipapauntog ko na silang dalawa!

"Are you out of your mind? Alam mo ba ang Car racing ha, pulubi?! Kotse yan! Karera! Mag uunahan kung sino ang mauuna! Dapat magaling at sweto ka! Hindi ka mag ka-car racing kasi trip mo lang! Ha?! Pangalan ng PA ang idadala mo dyan! Pwede yang masira ng dahil dyan sa pagka hangin mo! At sa tingin mo makakaya mo yun?!" inis kong sabi sa kanya at narinig ko ang ilan sa mga kaklase namin na tumatawa na.

Hinarap ko si JM na ngayon ay naguguluhan, "Choose another one. Iyong alam nya ang ginagawa nya. Iyong hindi mapapahiya ang pangalan ng PA! Iyong makakaya talaga at hindi sa salita lang!" Pigil na inis kong ani ni JM.

"Mr Relevez, wala na pong ibang interesado at sasali.. Si Ms Montevalle nalang po ang pwede nating--"

"So, sinasabi mo ngayon na hindi mo 'ko susunduin? Are you really sure about that, JM?" mariin kong pagkakasabi at napayuko naman syang umiiling.

"No, it's not like that Mr Relevez.. ang ibig ko pong sabihin ay sya nalang ang pag-asa natin dito sa section natin.. wala na pong ibang interesado kundi sya nalang po. Maaari tayong ma-dis-qualified pag walang magre-represent saatin. Beside, may isang buwan pa naman po para makapag-practice si Ms Montevalle at makapag-ready.. Baka makakaya nya po ito.." mahabang paliwanang nya pero hindi ako natinag. Bulag ba sya?! Nakikita nyang pulubi yan, at gagawin nyang representative sa Car racing ng PA?! Baka sa huli nadisgrasya na ang dinadala nyang kotse kasi hindi naman talaga sya marunong gumamit ng kotse at nagpapa-feeling lang!

"Think JM, mag isip ka! Regional contest 'to! Madaming mga schools ang sasali! Hindi lang isa o dalawa kundi marami! At gusto mong sya ang magiging represent--"

"Try her." napatigil ako ng biglang tumayo si Anna at tinignan ako at si JM.

"Subukan nyo sya. Tignan nyo. Kung hindi parin kayo kuntento sa mga performance nya edi tanggalin nyo sya agad. Simple lang naman yan eh! Total, tulad ng sinasabi nyo may isang buwan pa naman, diba? Then tignan nyo muna sya..i-practice nyo muna sya! Yun lang!" sabi nya.

"This is a Car racing Anna, not just a game but a serious sport one!"

"Kaya nga, diba?! Kaya nga subukan nyo muna! Kaya nga tignan nyo muna! Pag kayo hindi nakuntento, edi tanggalin nyo agad! At pag kayo humanga, nako! nako! Duh?! Don't me!" Maarteng saad nito sabay upo. Tinaasan niya pa ako ng kilay at gigil na gigil ko itong tinignan.

In Different WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon