CHAPTER 8

146 16 19
                                    

Jein's POV

Kakagising ko lang. Pagkaalis ni Anna kanina natulog ako kaagad kasi may lakad pa ako. Kailangan ko ang lakas ngayon. Anong oras na ba? Tinignan ko ang relos at alas kwatro na ng hapon, kaylangan ko ng kumilos. Tsk.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at pumunta sa banyo para maligo.

Nagbihis ako agad. Naaalala ko yung sinabi ni Anna kanina na dapat DAW sexy yung susuotin ko para formal ang datingan, okay lang ba sya? Trabaho ang hahanapin ko at hindi ang pagmomodel.


Nang matapos na ako, lumabas na ako ng bahay. Magjejeep nalang ako para makatipid ako sa pamasahe.

Magsisimula na ang bagong buhay ko na mag-isa. sana nga lang wala ng gugulo pa, walang sasagabal at wala ng mangingialam.

Pumara ako ng jeep, ilang minuto lang ang nakalipas at narating ko ang mga malalaking building dito sa Manila. Hindi naman malayo sa tinitirahan ko 'to, mas malapit pa nga dito ang PA eh, kaya dito nalang ako maghahanap.

Naglalakad ako habang palinga linga kung saan pwedeng mag-apply kung saan may hiring. Hindi talaga madali. Nakakapagod.

May nakita akong building. Mukhang nasa 2nd floor ang taas nito pero maluwag. Lumapit ako at sakto! May hiring nga.

*WANTED WAITRESS (17-25yrs.old)*

Parang may pag-asa ako dito, tinignan ko ang buong gusali at mukhang hindi naman illegal. Pwede na 'to. Kailangan ko na talaga ng trabaho.

Pumasok ako dala dala ang envelope ko na naglalaman ng mga kinakailangan para sa pag-aapply.

"Goodafternoon Ma'am! Welcome the 'THE R's." Bati nung empleyado dito.

"Ah, miss?"

"Yes Mam?"

"Nabasa ko kasi sa labas na hiring kayo dito ng waitress."

"Ah, yes Mam. You want to apply Ma'am?"

"Oo sana eh, pwede pa ba?" Tangina. Hindi ako sanay na magsalita ng mahinhin. Pero kailangan kung kontrolen.


"Ofcourse Mam! Hiring kami ng isa eh, buti nauna po kayo. Sandali lang po ha? Kakausapin ko muna ang Manager namin dito Mam." Tumango nalang ako at nakita ko syang pumasok sa isang Room. Office siguro.

Inikot ko paningin dito sa loob, mukha syang restaurant na may mala-coffe shop ang datingan.

"Excuse me?" Napalingon ako nung may nagsalita sa likod ko.

In Different WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon