CHAPTER 31

139 8 10
                                    

A/N: COMEBACK NG BANGTAN SONYEONDAN NGAYON! KAYA MAG A-UPDATE AKO DAHIL MASAYA AKO AT BUKOD DOON AY PARANG SIMPLENG REGALO KO ITO SA MGA CO-ARMY KO! OMG. OMG. I LOVE YOU, BTS! CONGRATULATIONS IN ADVANCE! PROUD NA PROUD AKO SAINYO! MORE BLESSINGS, MORE PROJECTS, MORE MV'S, MORE SONGS, MORE AWARDS AND MORE MORE MORE ACHIEVEMENTS TO COME SAINYO AND GOOD HEALTH! MAG IINGAT LANG KAYO PALAGI, OKAY? HWAITING! SARANGHAE! MWAMWAMWA! :*

---------

JEIN'S POV

NAKAUPO ako habang tinatanaw ang mga bulaklak at kulay berde na mga halaman dito sa likod ng building ng PA. Andito ako mag-isa ngayon sa may kubong pwede mong gawing pampalipas oras o kung gusto mong mapag-isa upang magpahinga.

Napagdesisyonan kong tumambay muna dito lalo na't mamaya pa naman ang laro ko. Ang alam ko ay ang Basketball ang naglalaro sa oras na ito. Pero wala akong balak manuod lalo pa na wala ang tatlo kasi busy rin ito sa kaniya-kaniyang gawain. Ang mga ingay na nangagaling doon ay dinig na dinig ko haggang dito.

Swabe akong nakasandal habang dinadama ang malamig at maaliwalas na paligid. Kahit tirik na tirik ang araw mula sa itaas ay balewala lang ito dahil sa mga masasaganang mga halaman, bulaklak at mga punong nakapalibot dito sa harden.

Minsan ay hinihiling ko nalang na maging isang paru-paru. Iyon tipong walang problemang dinadala kundi ang lumipad-lipad lang at dumadapo sa mga magagandang bulaklak. Maliban na isa itong magandang nilalang ay may kakayahaan itong makalipad upang maging malayang gawin ang gustuhin nito. Pwede rin itong tumakas kung hindi niya gusto ang kaniyang nadapoan. Mga kakayahan na nais kong makamit.

Malalim ang naging isip ko. Maraming mga bagay na hanggang ngayon ay tila isa itong gyera sa isipan ko dahil sa sobrang gulo. Ang mabigat na pakiramdam ay nanatili parin. Gusto ko ng pakawalan ito. Gusto kong maranasan ang maging normal na tao sa mundong ito. Iyong wala ng hahadlang kung ano ang dapat gawin ko. Iyong malayang gawin ang naisin ko.

Bahagya akong napalingon sa kaliwang parte ng building iyon sa 'di kalayuan. Unti unting dumadami ang mga nakakalat na estudyante at nagsisimula na naman ang pag-ingay ng paligid.

Siguro tapos na ang laro ng basketball.

Hindi ko man tatanungin ay alam ko na kung sino ang nanalo sa chapter na ito.

Ang Team PA .Ang mga ngiti at paghanga na nagmumula sa mga mukha ng taga dito ay makaklaro mo na talaga kung ano ang resulta.

Nang mapalingon ako sa kanang parte ng building kung saan medyo nakatago ito at hindi masyadong makikita ng mga tao ay agad napangunot ang aking noo.

Kilala ko ang tindig ng taong iyon. Anong ginagawa niya diyan? Sinong kausap niya?

Mabilis kong nilihis ang kubo at maingat na pumunta sa direksyon nila habang nakabulsa. Hindi nila ako napapansin dahil nakatalikod ang mga ito saakin. Bahagyang tumakilid ang isang lalake dahilan para mabilis akong nakatago sa isang puno na medyo distansya sa kanila.

Tangina, muntik na ako doon ha.

Pero dahil malakas ang pandinig ko o sadyang malakas lang talaga ang mga boses nila ay nadidinig ko parin ang pag uusap nila mula doon hanggang dito.

"Naglolokohan ba tayo dito, Sanor?" nahahamigan ko ang nakakainsultong tanong iyon ni Jettro Huabes. Ang Captain ng South University.

Sanor? Parang pamilyar saakin ang pangalan na iyon.

Dinig ko ang pagtawa nito, "Alam kong... parehong pabor sa atin ito, Huabes." Saad nito. Napakunot ang noo ko sa pamilyar na boses na iyon. Kahit mahirap man ay pilit ko itong sinulyapan.

In Different WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon