Chapter 3

16 3 0
                                    

Astrid

Alam niyo yung masakit? Yung grabe na ang pagkastress mo sa acads sinabayan pa ng pagiging president mo.

EH? DI NAMAN NGA AKO BAGAY MAGING PRESIDENT!

Pero mas masakit pala na alam mo yun? Na inagawan ka ng pagkain ng bestfriend mo tapos sila pa tong kuripot. Eh kung hampasin ko rin kaya ang mga to?

Nagpapakaenjoy sila sa pagkain habang ako wala. Kaya nagpaalam muna ako at agad pumunta sa may department ng college building. Magbabasa nalang akong libro sa library kaysa naman magtunganga lang doon. Nakakagutom pa naman.

Ayun na nga, ibinuklat ko ang aklat na aking napili. Novel yung kinuha ko at magbabasa na sana ako ng biglang may narinig ako na di kaaya-aya.

May nagsisisigaw sa library at nagtatawanan pa sila. Pati ba naman dito wala akong makakamit na kapayapaan? At dahil dun hindi ko pinansin kahit asar na asar ako dahil ang ingay talaga.

Binuklat ko ulit yung aklat dahil gusto ko na malaman kung saan patungo ang istorya. Siyang-siya naman ako sa twist ng biglang napahawak ako sa noo ko ng maramdaman kong mamasa-masa ito, nakita kong dugo pala ito. Teka-teka legit ba 'to? Tiningnan ko ang paligid kung sino ang hangal na gumawa saakin nito.

Inis na inis ako dahil nararamdaman ko na ang pag-agos nito pababa sa aking mukha. Nahihilo na rin ako at di ko mabalanse ang sarili dahil sa natamo. Hindi ko alam kung bakit dumugo pero masasabi ko na may tumama saakin na matulis na bagay. Siguro hindi ko na naramdaman ang bagay na iyon dahil sa bilis ng pangyayari.

Ang huli ko nalang narinig ay yabag ng lalake at blurred na mukha nito halatang alala siya ngunit di ko makita ang kanyang mukha. Tanging nasa isip ko lamang sa mga oras na ito ay si Kinsley.

Jaxton

Nasa library ako ngayon, believe or not pero ganoon nga. Hindi ako pumunta dito para magresearch o magpantansya sa mga fiction books. Nagpunta ako dito kasi nandito si Calyx Rayver Cruz. Bestfriend ko siya at matagal-tagal na rin kaming di nagkita.

Nasa library kami ng college building at nagtatawan kami pero syempre yung tama lang, library to eh. Nag kumustahan kami kung ano na ang ganap sa buhay buhay.

Habang itong isang grupo ng mga babae naman daig pa ang mga amazona kung tumawa, ang lalakas.

Naghahampasan pa ng kung ano-anong bagay, pag ako talaga natamaan dito.

Walang anu't- ano sisipain ko sila. Nakita siguro ni Rayver na naiirita ako sa mga babaeng ito kaya napag-isipan niyang umalis nalang kami sa mga library.

Akmang tatayo na ako ng mahagilap ng mga mata ko ang kaklase ko, nakalimutan ko ang pangalan pero sa pagkakaalam ko ito yung president namin.

Grabe, bookworm pala tong isang 'to. Naamaze ako at tumingin uli ako sa grupo ng mga babae na ang iingay pa rin, nakikita ko rin na asar na si Ms. President, knowing her ayaw niya sa lahat ang mabunganga at maingay kapag libro na ang hawak.

Ngumiti lang ako kaso nabura ang lahat ng ito ng marinig ko yung isa sa mga amazonang babae na sumigaw na "Hala! Alis na tayo! Sa discipline office labas natin dito!".

Sinulyapan ko ulit si president ng makita kong parang may dugong umaagos sa bandang noo nito, mukhang mahuhulog ito kaya dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan niya.

Mga walang hiya talaga yung mga babaeng yun. Imbis mag-sorry, tinakasan pa nila. Ano kayang bagay ang tumama sa noo nito at nagkaganito? Masusi kong tiningnan ang paligid kung ano ang naitapon ng mga babaeng iyon.

Nakita ko yung gunting sa sahig na tila ba may dugo pang natira. Sino ang hangal na magtatapon ng gunting dito?

Inalalayan ko siya at di rin nagtagal nawalan siya ng malay. Sinenyasan ko si Rayver na mauna na siya. Instead, tinulungan niya akong kunin yung mga gamit ni President at sinundan ako patungong infirmary.

Habang dala dala ko siya saaking bisig, naramdaman ko ang kakaibang damdamin na ngayon ko lamang naramdaman. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Nakakainis lang kasi inis ito saakin kahit naman wala akong ginagawa. She is so undeniably gorgeous kapag malapitan.

I admit na I am attracted with her looks before pero hindi ko alam na maattract pa ako lalo pag-malapitan. She have this pale skin texture with few freckles on her cheeks. She looks like a fallen angel. She have this perfect eyebrows, curly eyelashes, cut pointed-nose and I can't deny to see how kissable her lips are.

No wonder na gusto ko siyang asarin at inisin palagi. I don't know, baka crush ko siya. Bakla man pakinggan, that's the way I see it.

Astrid

Ang sakit ng ulo ko at pag dilat ng mga mata ko bumungad saakin ang puting kisame at ilaw na nakakasilaw.

Obviously, nasa infirmary ako. Last time I checked, nagbabasa lang ako ng libro ng biglang may tumama saakin na matulis na bagay. At dahil dun? Anyare?

Natandaan ko yung asungot na nakita ko sa library. Si Jaxton, sino pa ba ang gagawa nito saakin? Siya lang naman diba? Pero naisip ko rin na baka hindi siya kasi mukhang kahit napakaraming hangin nito sa katawan, harmless naman yung tao.

Who knows? Baka siya pa yung nagdala saakin dito? I better start talking to him.

Drearing PastWhere stories live. Discover now