Entry No. 2

5 0 0
                                    

Alam nyo yung pakiramdam na, akala ng iba okay ka lang kasi yun yung lagi mong pinapakita sa kanila. Ang saya saya mo sa harap nila, ikaw pa ang nagpapatawa sa kanila. Ikaw pa yung laging nandyan pag nalulungkot sila. Ikaw ang takbuhan ng mga kaibigan mo kapag nalulungkot sila, nagpapayo sa mga problemang dinadala nila.

Pero hindi nila alam, na nasasaktan ka din. May pinagdadaanan ka din, kailangan mo din ng taong masasandalan. Kailangan mo din ng makakapitan, yung taong mapapagsabihan mo ng lahat ng problemang pinagdadaanan mo. Yung taong handang makinig sa lahat ng drama mo. Yung akala ng mga kaibigan mo na ang saya saya mo, hindi nila alam sa loob loob mo, wasak na wasak ka na.

Wasak na wasak na ako.

For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon