Entry No. 4

1 0 0
                                    

Minsan napapatanong na lang tayo, "Bakit ang swerte nila?", "Bakit sila masaya?" , "Bakit siya? Bakit hindi na lang ako?", "Bakit si ganito ganyan, bakit ako ganto lang?", "Bakit siya mahal ng mahal nya?", "Bakit ganito?" Haaaay! Napakadaming tanong ng mga tao, nauubusan ba tayo non? Bakit hindi na lang tayo makuntento sa kung anumang bagay ang meron tayo?

Ako? Tulad din ako ng karamihan, hindi marunong makuntento. Madami din akong katanungan na gustong mabigyan ng kasagutan. Madami din akong pangarap na gustong matupad. Madaming bagay na gustong makuha. Pero sa dami ng bagay na gusto ko, may isang bagay na hindi ko alam kung posible ba talagang makamit ko.

Ikaw.

Katulad ng sinabi ko noong umpisa, hindi ko alam kung para saan ang mga sinusulat kong ito, hindi mo naman nababasa. Dito ko gustong sabihin lahat lahat, lahat lahat ng bagay na hindi ko masasabi sabi sayo. Hanggang kailan ba ako magkakaganito?

Kailan ka ba dadating?
Kailan ka ba magiging akin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon