Alam nyo ba yung pakiramdam na parang nanlilimos ka lang ng atensyon sa mga tao sa paligid mo? Yung kailangan para samahan ka ng kaibigan mo, kailangan may kapalit? Kaibigan pa bang maitururing yon?
Yung pakiramdam na wala ng nagpapasaya sayo, tanging mga babasahin at pelikula na lang ang nagpapakilig sayo. Yung mga kwento ng mga kaibigan mo tungkol sa mga boyfriend nila, yung mga nadadaanan mo na magkasintahan sa mga malls at kanto na naglalambingan, yung mga magjowa sa facebook na wagas magmahalan. Nakakainggit.
Kailan ka ba dadating?