Tatlong araw bago sumapit ang sabado at tulad nang dati puro text lang ang nangyari samin dalawa kapag tumatawag naman siya sandali lang na para bang limit lang ang pakikipagusap niya saken di kagaya nang dati na umaabot maghapon kahit pa nasa trabaho siya. Ngayon wala na. Limit time na. Pero gayunpaman tinatanggap ko naman kahit na invalid reason na siya para saken.
Dumating ang sabado at agad ko siyang tinext na palabas ba ako ng bahay at papunta sa Sm North. Sinabi ko rin sa kanya na magtext nalang soya kung sakaling makakapunta siya. Alam ko naman na hindi niya agad mababasa ang text ko ngayon kasi nga---BUSY.
Hindi ako makapili ng panunoorin ko kasi halos lahat magaganda saka yun napili ko rin pang hapon na may mga nakauna na kasi nun ibang first and second batch saka okey narin mas maganda kasi manuod kapag hapon at gabi. At habang hinihintay kong matapos yun iba ay napagpasyahan kong maglibot-libot muna sa loob ng mall. Napakaraming tao lalo't pag linggo na siguro mas marami. Karamihan sa mga nandito is puro magkakapamilya at yun iba naman-----.Couple. Ano ba yan.
Napaiwas ako ng tingin sa dalawang maglovebirds ang sweet kasi saka naalala ko nanaman si Dave. Sobra ba talagang busy siya ngayon sabado saka diba dapat wala siyang pasok ngayon sa opisina----Aay mali! seminar pala ang meron ngayon kaya alanganin siyang makakapunta pero kung mahalaga talaga ako sa kanya makakaabot siya na kahit mahuli pa siya ng dating maiintindihan ko.
Umalis na ako sa mga harapan ng mga lovebirds naiingit na kasi ako ngayon at mas lalo lang akong malulungkot kung panunorin ko sila tapos maalala ko ang boyfren kong wala nang oras saken.
Halos magtatatlong oras na akong naglilibot sa buong mall nakabili na nga rin ako ng ilang pocketbook at damit na natipuhan ko pero wala parin text galing sa kanya mukhang hindi na siyang makakarating pero----.tumingin ako sa suot kong relo. Magaala-sais na nang gabi at imposibleng hindi pa tapos yun seminar at hindi siya makakapunta. Anong klaseng seminar ba ang ginagawa nila at ganon nalang kahaba ang oras na ginugugol nila.
Napapikit nalang ako sa sobrang frustrated kahit na pinagtitinginan na ako ng ibang tao. Wala narin akong nagawa at pumunta nalang ako si sinehan. Pinakita ko yun ticket at binigay sa lalaking nagbabantay roon at saka ako pumasok. Love story ang napili kong panuorin. Wala na akong pake kung wala akong kasamang manunuod basta ang mahalaga mawala itong inis na nararamdaman ko.
Umakyat ako sa pinakadulo ng upuan mas maganda kasing manuod roon saka panget din yun sobra kang malapit sa screen nakakasakit ng ulo. Halos mapuno na ang mga upuan at mukhang ako lang talaga ang walang kasamang nanunuod. Kawawa ka naman Lavander.
Umupo ako sa pangatlong upuan dito sa dulo at ibinaba muna ang mga pinamili ko. Nagpasalamat narin ako sa sarili kong hindi ko nakalimutan bumili nang makakain at maiinum habang nanunuod. Tahimik ang buong loob habang naghihintay sa panonoorin. Then they turn off the light and turn the projector on pero habang ginagawa iyon ay may dalawang taong dumating at naupo sila sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Hindi ko alam pero biglang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pamilyar nilang boses. Pinanuod ko silang dalawa habang naghaharutan tila hindi nila alintana kung may makapansin man sa ginagawa nila. At ako naman itong titin na titig. Sa kanila habang tila may kung anong tumutusok nasa dibdib ko.
No! It can't be. Hindi sila iyan. Please! Wag naman po sana.
Pero trydor ang tadhana dahil mas kitang-kita ko na sila dahil sa liwanag na nanggagaling sa Screen. Hindi ko na napigilan ang pagsunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Bakit sila magkasama? At mas lalong gumuho ang mundo ko at halos ikamatay ng puso nang halikan ng boyfren ko sa labi ang----------.Bestfriend ko.
Halos hindi ako makagalaw habang pinanunood silang naghahalikan. At tila wala silang pake kung may makapansin man sa kanila. Sabagay, madilim nga naman kaya imposible pero ako kitang-kita ko kung paano maglapat ang mga labi nila. Kung paano maglapat ang labi ng boyfren ko sa labi ng bestfriend ko. Sunod-sunod at walang tigil ang pagtulo ng luha ko sa mga ko. Pigil ang hagulgol ng pagiyak ko nang makita kong mas hinapit pa ni Dave ang bestfriend ko at walang tigil ang paghahalikan nila. Tangina! Ang saket! Mga hayop! Mga mangloloko! Lahat ng iyon gusto kong isigaw sa harapan nila pero wala akong lakas ang pakiramdam ko nakapako lang ako habang nakatingin sa kanina. Tangina! Hindi ko na kayâ. Kaya naman tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng sinehan.

YOU ARE READING
Sad Movies
ContoAkala ko sa palabas lang ng pinanunuod ako maiiyak pati pala sa totoong buhay. Sad movies is My real Life.