I
Siya at Ako,
Hindi kami magkapareho,
Kami ay magkaibang tao,
pero parehong ikaw ang aming gusto.
II
Pasensya kung ganito lang ako,
Pasensya kung hindi ako tulad ng
inaakala mo.
Pasensya kung sakin ay higit na
lamang siya,
Pero ako, masasabi kong kaya kitang
mapasaya.
III
Oo, handa akong masaktan upang
ikaw lamang ay maging masaya,
Dahil alam kong kahit kailan ay
madali ka nyang makukuha.
Pero eto ako, mag-isang lumalaban
para sa atin.
Kahit na sa totoo, alam kong ikaw ay
hindi sa akin.
