Siya

6 0 0
                                    

     I
Ipinaramdam ko ang iyong halaga,
Ipinakita ko na ayaw kong mawala ka,
Sinabi kong gusto ko lagi kang kasama
Ngunit bakit naghanap ka pa rin ng iba?

     II
Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko?
Bakit tila hindi ka nakuntento?
Ano bang meron sya na wala ako?
at tila sya yata ang mas pinipili mo.

     III
Kung siya talaga yung gusto mo,
Sige magpapaubaya ako.
Pero sa oras na ika'y lumisan,
Tandaan mong wala ka ng babalikan.

PoemsWhere stories live. Discover now