Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

130K 2.6K 191
                                    

Chapter Two

Chaos


"Tanghali na! Magsitayo na, bilis!"

Nagmamadali akong nagbihis habang naglalakad sa labas ng mga kwarto ng kapatid ko.

Isa-isa ko iyong kinatok kasabay ng pagtatali ko sa aking buhok at pagpupulot ng mga nakakalat sa sahig.

"Ako muna!" Nag-unahang tumakbo sina Ramiel at Rigel sa banyo.

"Damn it!" inis na hiyaw ni Ramiel nang mauna si Rigel sa loob.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa kwarto ni Cassiopeia at Zuben.

"Five thirty!" sigaw ko sa kanilang dalawa na pupungas-pungas pa at halos hindi pa maidilat ang mga mata nang maayos.

Maaga ang pasok nilang apat kaya ako ang nagsisilbing alarm clock nila araw-araw.

"Rigel! Bilisan mo!" Bumalik ako sa banyo at kinatok ulit 'yon.

Makalat. Magulo. Maingay.

'Yan ang tatlong M sa buhay ko araw-araw. Sa loob ng labing-walong taon ko sa mundo ay kasabay ko na yatang iniluwal ang lahat ng 'yon.

Idagdag pa pala ang isang M na ang ibig sabihin ay mahirap. Bumaba ako sa second floor at dumiretso sa kusina para maghanda ng pagkain ng mga kapatid ko.

Inilagay ko ang tinapay sa toaster. Nilagyan ko rin ng tubig ang takure at isinalang sa kalan. Sinulyapan ko ang malaking orasan na nakakabit sa puting dingding. Napailing ako nang makitang nakahinto 'yon at hindi na gumagana.

"Rigel! Sinabi ko naman sa 'yong palitan mo ng baterya 'yang orasan! Male-late pa kayo dahil diyan e!" reklamo ko nang makita itong bumaba sa hagdan habang nagpupunas ng basang buhok.

Tumango-tango naman siya. "Sorry. Mamaya bibili ako ng baterya bago umuwi."

Umibis siya sa tabi ko at kinuha ang tinapay sa toaster saka pinalitan ng panibago.

"Kape o gatas?" tanong ko sa kanya.

"Kape," sagot niya naman.

Maya-maya pa'y bumaba naman si Ramiel na nakabihis na rin dala ang kanyang itim na backpack. Kinuha niya ang tinapay sa counter at nilagyan 'yon ng palaman bago lantakan.

"Walang gasgas o black eye pag-uwi, Ramiel. Naintindihan mo?!" Tinulungan ko siyang gawin ang mga tinapay para kina Zuben at Cassiopeia.

Ngumisi naman ang kapatid ko at kalaunan ay tinawanan lang ako.

"Seryoso ako!"

Inirapan ko siya at pagkatapos ay pinatay na ang nagwawalang takure na nakapatong sa kalan.

Kinuha ko ang mga tasa sa gilid at isa-isa iyong nilagyan ng mainit na tubig. Tinimplahan ko ng gatas sina Cassy at Zuben habang kape naman ang kina Ramiel at Rigel.

"May project nga pala kami, ate," pagkuha ni Rigel sa atensyon ko.

Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig. "Magkano?" Pinilit kong halungkatin ang lahat ng bulsa ko pero tanging dalawang piso lang ang nakuha ko roon.

Kahit na binigyan naman ako kagabi ni Nana ng pera ay naubos na rin kaagad dahil sa pag-grocery ko.

"Ako na ang bahala. Sinabi ko lang para alam mong male-late ako ng uwi mamaya," aniya.

Nakahinga ako nang maluwag. I nod at him.

"Basta walang gasgas at galos. Kayong dalawa, kung pupwede ay iwasan n'yo naman ang makipag-away kahit ngayong linggo lang." Matalim ko silang tinitigan at tinaasan pa ng kilay si Ramiel na tatawa-tawa lang sa akin.

How To Win The Bachelor's Heart (Book 1 - TBS 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon