Chapter Two

3K 68 0
                                    

Calaca Batangas, Senior Year

SA PANGALAWANG pagkakataon ay sinusundan na naman ni Aya si Thaddeus. Dahil talagang curious siya. Kaya siya curious ay dahil hindi siya naniniwala sa sinabi nito noong isang araw sa bukid na nagpapalipas lang ito ng oras. Siguradong may gagawin o pupuntahan talaga ito dapat doon. Pero dahil nga sunod siya ng sunod ay hindi na nito itinuloy.

Ngayon ay hindi siya nito mahuhuli na sumusunod dito. Malayo ang distansiya niya rito at sobrang tahimik lang talaga niya. Kapag naman nalaman niya kung saan talaga ang punta nito ay titigil na siya.

N'ong sinundan niya ito ay nahuli siya ng mahigit sa isang oras. Start na ng mga games pagbalik niya sa school. Pero si Thaddeus ay hindi bumalik kasama niya kahit anong pamimilit pa niya rito. Wala nga ang pamilya nito. Isa ito sa iilan na hindi dumalo.

Hindi tuloy maalis sa isip niya ang sinabi nito tungkol sa kawalan nito ng pamilya. Hindi naman gan'on eksakto ang sinabi nito. Pero gan'on na rin ang kahulugan.

Pagkatapos ng klase nila ay lumabas kaagad ito ng classroom. Nagmamadali din si Aya sa paglabas dahil baka nga maiwan siya nito. Mukhang papunta ito sa bayan. Pero hindi siya sure. Kung pupunta ito roon ay isa itong sinungaling. Nung nasa bukid sila ay sinabi niya rito na kung gusto talaga nitong magpalipas ng oras ay sa bayan ito magpunta.

Mas marami itong pwedeng magawa roon na pampalipas ng oras. Ang sabi lang nito ay ayaw raw nito ng masyadong maingay. Maingay daw sa bayan.

Pero habang tumatagal ay parang papunta talaga sila sa bayan. Sinungaling.

Siguradong pupunta ito kung saan may mga video game stations. Pero nagulat siya ng bigla itong lumiko papunta sa kabilang daan. Napasunod na lang siya rito kahit nagtataka. At mas lalo pang nadagdagan ang pagtataka niya ng makita na parang papunta ito sa simbahan.

Magsisimba ba ito? Pero wala namang misa ngayon. Pero araw-araw namang bukas ang simbahan. Aba-aba. Mukhang magsisimba nga yata kahit walang misa.

Umawang na lang ang labi ni Aya ng tuluyan ng pumasok sa loob ng simbahan si Thaddeus. Hindi talaga niya ine-expect ang gan'ong klase ng twist. Tumingin siya sa langit at humingi ng tawad sa Diyos.

Masama talaga ang nanghuhusga ng kapwa. Si Thaddeus na pinag-iisipan pa niya ng kung ano-ano ay sa simbahan naman pala ang tuloy. Naiiling na sumunod si Aya dito. Ngayong alam na niya ay matatahimik na siya. Very good naman pala ito.

Sumunod na rin si Aya sa loob ng simbahan. Pero pagpasok naman niya roon ay wala siyang nakitang Thaddeus na nakaupo at nagdadasal. Nakita naman talaga niya ito na pumasok. Kaya nasaan na ito? Nagpalinga-linga siya sa loob ng simbahan habang humahakbang papasok sa loob.

Sa gitna siya lumalakad habang tumitingin sa bawat pew. Nagulat siya ng makita si Thaddeus sa isa sa mga pew. Kaya naman pala hindi niya ito makikita. Nakahiga naman pala ito. Natutulog ba ito?

Nilapitan niya ito at sinilip. Nakapatong ang kaliwang braso nito sa ibabaw ng mga mata at ginawa nitong unan ang bag. Tulog nga.

Napapailing na namaywang si Aya. "Hoy, Lagdameo," wika niya sa katamtamang boses lang dahil nasa loob sila ng simbahan.

Bigla itong bumalikwas. Pagkakita kay Aya ay nangunot ang noo nito. "Ikaw na naman?"

"Oo, ako ulit. Anong ginagawa mo at natutulog ka dito sa loob ng simbahan?"

"Alam mo naman pala kung anong ginagawa ko dito, eh. Nagtatanong ka pa," humiga ulit ito at ibinalik ang dating pwesto.

"Hindi ka pwedeng matulog dito, Lagdameo. Simbahan 'to, hindi tulugan. Kung gusto mong matulog umuwi ka sa inyo."

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon