Chapter Six

2.3K 61 3
                                    


"TUMABI ka d'yan kung ayaw mong tamaan ka sa'kin."

"Aya, sa ibang araw na lang. Medyo magulo sa loob," sagot ni Thad na hindi umaalis sa pagkakaharang sa pinto.

Hindi rin umalis si Aya sa harap nito. Nakapamaywang siya habang nakatitig ng matiim sa mukha nito. Nalaman niya sa informer nito kung saan ito nakatira. Sinong informer nito? Si Dustin, classmate nila noong high school. Ito rin ang nagsabi kay Thaddeus kung saan siya nakatira. At kung ano-ano pang impormasyon tungkol sa kanya.

Nitong nakalipas na tatlong araw ay sumasagot naman ito sa mga text messages niya. Pero ng yayain niya na magkita sila ay gusto pa nito na mag-set sila ng date sa weekend. Hindi na siya makakapaghintay ng weekend.

Nang kumatok siya sa pinto ng apartment nito ay nanlaki ang mga mata nito. Bigla itong lumabas at isinara nito ang pinto sa likuran nito. Para bang itinatago.

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito. White sando at drawstring pants ang suot nito. Medyo magulo rin ang buhok nito. Ang itsura nito ay para bang kagigising lang. He looked boyishly handsome. Naalala niya dati noong mga high school pa sila.

Napatitig siya sa mga biceps nito. So may itinatago pala itong gan'on.

He looked delicious. Aya, ano na?

"Tabi d'yan," napapalunok na sabi niya. Baka bigla na lang niya itong lundagin. Mabuti na 'yong walang ibang makakakita.

"Nag-breakfast ka na ba?" sa halip ay tanong ni Thad. "Kukunin ko lang ang jacket ko at wallet. May masarap na tapsilogan d'yan sa kabilang kanto––"

"Thaddeus, may itinatago ka ba d'yan sa loob?" nagsisimula na siyang maghinala.

Tumawa si Thad. "W-wala, ah. Ano namang itatago ko?"

Tumaas ang kilay ni Aya. "Iyon naman pala, eh. Bakit ayaw mo akong papasukin sa loob?"

Hindi kumibo si Thaddeus. Nang itulak ito ni Aya paalis sa pinto ay hindi na ito nagmatigas pa. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Sala na kaagad ang sumalubong sa kanya. Simple lang. White ang pintura ng dingding. Black na leather naman ang mga couch. Sa center table ay nakapatong ang isang laptop at may mga papel din. Sa mahabang couch ay may blanket.

So far ay wala naman siyang nakikitang kalat talaga.

Nakahalukipkip siya ng harapin niya si Thaddeus na nakasunod sa kanya. "Sinong kasama mo rito?"

"Ako lang," mabilis nitong sagot.

"Wala akong nakikitang kalat." Pabagsak siyang naupo sa leather couch at tumingin sa nakabukas na laptop.

Mga illustrations ang nakita niya. Para bang illustrations ng isang children's story. Tumingin siya kay Thad. "Ito ba ang trabaho mo? Ang sabi mo freelancer ka,"

Lumapit si Thad sa tabi ni Aya. "Oo. Gumagawa ako ng illustrations para sa mga children's books. At saka..." parang nag-aalangan ito kaya hindi maituloy ang sasabihin.

"At saka?"

"Nagsusulat rin ako ng article for a travel magazine once a month."

"Wow," kung marunong lang si Aya ay baka napasipol na siya. Kaya nga mas gusto niya na nag-uusap sila ng harapan. Mas marami siyang nalalaman tungkol kay Thad kesa kapag magka-text lang sila. Masyadong tipid ang mga sagot nito sa text.

Kinamot ni Thad ang batok. Tinapik naman ni Aya ang tabi ng couch para paupuin doon si Thad. Umupo naman ito.

"Bakit hindi ka nagpunta sa ibang bansa, ha? Bakit ang alam ng mga magulang mo pupunta ka sa California U para mag-aral? Saan ka nagpunta?"

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon