Chapter One

4.6K 73 0
                                    

Calaca Batangas, Senior Year

2003

HALOS takbuhin na ni Aya ang pagbalik sa Sunnyhill Academy kung saan siya nag-aaral. Family day ngayon sa school nila. Kasali maging ang mga high school students sa family day. Gusto raw ipakita ng school ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamilya. Minsan lang naman raw sa isang taon kung ganapin iyon kaya't hindi kaabalahan para sa mga mahahalagang miyembro ng pamilya lalo na sa mga magulang. Lalo na at para naman sa mga anak ang okasyon na ito.

Most high school students are against it. Sigurado si Aya sa bagay na iyon. Sa mga kaklase na nga lang niya ay ilan na ang narinig niyang hindi a-attend.

"So old fashioned," iyon ang sabi ni Arleigh.

Sa kanya ay okay lang, gayundin sa kakambal niyang si Tala. Sa katunayan nga ay gustong gusto ng daddy nila ang mga ganoon. Isa rin itong high school teacher. History at Filipino ang mga subject na itinuturo nito. Kaya ang pangalan nilang magkakapatid ay pulos hango sa mga Tagalog at makasaysayang salita.

Siya ay Malaya ang tunay na pangalan. Halos kalahati ng buhay ay ginugol niya sa pagpipilit na maging Aya ang nickname niya. Meaning, buong elementary life ay pilit niyang in-established na siya si Aya at hindi si Malaya. Ang kakambal naman niya ay si Tala. Hindi kasing wirdo at makabayan tulad ng pangalan nyia. Cute pa nga. Ang pinakamasaklap ay ang panganay nilang kapatid. Bonifacio ang pangalan. Tulad niya ay nag-effort din ito ng husto para maging Bon ang nickname. Pero para kay Aya ay nakakatawa pa rin ang Bon kung tutuusin. Kung Boni naman... parang nakakatawa pa rin. Kahit yata anong gawin ng kuya nila ay wala na talagang pag-asa na maging cute man lang ang nickname nito.

Nauna na si Tala at ang mga magulang nila sa school. Bumalik siya sa bahay dahil may nakalimutan siya.

Kahit pa sabihin ng mga kaklase nila na hindi a-attend ang mga ito, alam niyang darating pa rin ang mga ito. Bibisitahin daw isa-isa ng teacher nila na si Miss Charm ang bahay ng mga hindi mag-a-attend. Mas masaklap pa 'yon kesa sa hindi pag-attend.

Paliko na sana siya sa kanto kung saan naroon ang school nila ng may makita siyang isang taong pamilyar.

Parang... Parang si Thaddeus Lagdameo yun, ah?

Imbes tuloy na lumiko na siya papunta sa kanto ay napasunod siya sa kaklase. Na-curious siya kung bakit imbes na sa school ito magpunta ay sa ibang lugar ito papunta. Nakasuot naman ito ng uniform. Suot pa nga nito ang bagpack, eh.

Simula first year highschool ay kaklase na niya si Thaddeus Lagdameo. Pero iilang beses pa lang silang nagpalitan ng mga salita. Palitan lang talaga ng mga salita. Iilan lang naman kasi sa mga kaklase nila ang kinakausap talaga ni Thad. Tahimik lang ito at may pagka-suplado pa nga. Hindi mahilig ngumiti.

Madalas pa nga niya itong mahuli na nakatingin sa labas ng bintana. Hindi naman ito bobo. Naniniwala siya na walang taong bobo. Pero may pagka tamad itong mag-aral. Ito ang pinakahuli sa ranking nila sa klase. Kahit sixteen lang silang lahat sa klase ay kulelat pa rin ito talaga. Naniniwala nga kasi siya na tamad ito.

Dahil nga tahimik at hindi mahilig makipag-usap ay hindi mo rin halos mapapansin na nandoon pala ito. Kaya nga sa nakalipas na ilang taon na magkaklase sila ay parang hangin lang ito. Samantalang pansinin naman ito kung tutuusin dahil una sa lahat ay matangkad ito. Cute din naman ito. Hindi siya ang nagsabi n'on.

Paulit-ulit kasi ang kakambal niya na si Tala na cute daw si Thad. Kaya parang na-adapt na niya tuloy.

Sa kakasunod ni Aya kay Thaddeus ay hindi niya napansin na napapalayo na pala sila ng husto sa school. Natigilan lang siya ng mapansin niya na parang papunta na yata sila sa bukid. Natatanaw na kasi niya ang mga bukirin. Luminga siya sa paligid. May mga bahay pa naman. Pero wala siyang ibang tao na nakikita. Tumingin ulit siya kay Thaddeus. Tuloy pa rin ito sa paglalakad.

Bebe Now That I've Found You  (TEENAGERS IN LOVE: Book 5 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon