Chapter One: Murder Case of a Poet

216 10 12
                                    

"Never trust to general impressions, my boy, but concentrate yourself upon details."
- Sherlock Holmes

___________________________________________

POV OF ACE

"For the next presentation, let us all welcome Poet's Sanctuary! Let's give them a round of applause." Nagpalakpakan ang lahat ng tao rito sa hall at mayroon ding ibang naghihiyawan. Ang lahat nakaabang sa pagpasok ng sikat na grupo ng mga manunula rito sa aming paaralan. Ngayon kasi ang Day of Talent sa school namin. Maya-maya pa'y lumabas mula sa backstage ang leader ng grupo nila at kinuha ang mikroponong nasa gitna ng entablado.

"This spoken poetry was inspired by Brian Vee's Ang ABAKADA ng tunay na Pag-ibig." Halos lahat ng mga estudyanteng naririto ay nagpalakpakan at naghiyawan no'ng tumigil s'ya sa pagsalita at agad ding tumigil noong nagsimula na ang pagtugtog ng musika. Napansin ko ang paghinga niya ng malalim at pagpikit ng kaniyang mata bago siya magsimula.

"Bago ang lahat, gusto kong malaman mo
Na ang tulang ito ay para sa'yo.
Ang mga letra na bumubuo
Sa mga salitang pinili ko,
Ang mga puwang sa pagitan ng mga ito
Na kapag pinagsama-sama mo
Ay katumbas ng malaking puwang
Na gusto kong tanggalin mula sa puso mo.
Bago ang lahat, nakikiusap ako,
Makinig ka sana, para sa'yo 'to."

A-aba----ACCKKKKKK"

Kasabay ng pagkapatay ng ilaw sa buong hall ang pagtigil sa pagsasalita ng lalaking nasa entablado ngayon. Napuno ang hall ng sigawan ng mga estudyante. Lahat natataranta kung ano bang nagyari kaya I grab the opportunity para makapunta sa harap. Malamang siguro ako lang ang nakapansin sa mga huling lumabas sa bibig n'ya dahil kasabay no'n ang pagsigaw ng mga estudyante dulot ng biglaang pagkawala ng liwanag.

Madali naman akong nakarating dito sa stage upang tingnan ang nagyari sa nagpriprisenta kanina. Tama nga ako, pinatay siya. Nadatnan ko ang katawan niyang nakahandusay ngayon sa sahig ng entablado. Buti nalang kahit papaano ay mayroong kaunting liwanag mula sa buwan kaya medyo nakikita ko pa, unlike sa mga tao ngayon dito sa hall na abala kung kanino sila kakapit dahil sa takot nila.

"Class, Don't panic! Sandali lang at inaayos na nila 'yung generator natin. Mga 10 minutes pa raw dahil naubusan ng gasolina. Don't worry may mga guard na nagbabantay sa labas ng hall kaya I assure you na walang mangyayaring masama, saka wala silang pinalabas simula nang nawalan ng kuyente para iwas disgrasya rin sa labas, kaya pasensya na kung gustong lumabas no'ng iba pero hindi namin pinahintulutan." Ms. Delaquezsa said, trying to calm the crowd. Sobrang nagpanik ang lahat, paano nalang kaya kung malaman nilang may namatay?

Aanuhin n'yo ang guard na nagbabantay sa labas kung nasa loob naman ang p'weding gumawa ng krimen. Saka nangyari na, siguro hindi lang kayo aware. I smirk.

Itinuloy ko ang ginagawa ko. Habang nasa guro pa ang atensyon ng mga estudyante, pinailaw ko ang maliit na flashlight ko para makita ang hinahanap ko. Tama nga! He was killed through this sting of injection. Dahan-dahan ko itong inalis mula sa pagkakatusok nito sa kaniyang batok, then I examined it. I smelled it and it seems na mayroong sufficient amount of succinylcholine ang sting at iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima. Thanks to Professor D for equipping us in identifying a poisonous substance.

Case MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon