Chapter Six: The Mystery Guy

65 10 6
                                    

A/n: So far, this is the longest chapter. Enjoy!

____________________________________

Hinawakan na nila ako at akmang poposasan na nang makarinig kami ng sobrang tining na tunog, it sounds irritating. Everyone covered their ears.

Galing iyon sa speaker sa main office kung saan sila nag a-anounce kung may mga announcement man.

Kasabay ng tunog na 'yun ang pag tunog din ng phone ko. The police answered it, kasabay ng pagsalita ng nasa speaker.

"Listen everyone." said the voice na nanggaling sa speaker. Hindi ko kilala 'yung boses, pero I am sure na hindi 'yun guro. Parang estudyanteng lalake, napakunit naman ako ng nuo dahil sa ginawa niya.

"Let her go." Syempre pulis sila, hindi sila sumunod. The who is he that had his guts to command the authority?

"She's not the one who is responsible for this. Sinet-up lang sya." Direkta niyang sabi. He really knows ha? Paano? Detective ba s'ya?

"Sino ka ba para paniwalaan namin?!" Tanong ng pulis, assuming na maririnig nong lalake 'yung sinasabi nya kahit na may kalayuan kami sa office.

"Need not to know, but I am a Detective."  Just wow, parang kailan lang no'ng ako ang naglulutas ng kaso at nililigtas ang mga inosenteng napagkamalang salarin, but look, it seems like the wheel had flip. Ako naman ang nililigtas ng detective na nagtatago rin.

I felt my tears dried on my face. Hinayaan ko nalang iyon tutal makakawala rin ako rito maya-maya.

"Well, if you're really a detective, Mind to tell us what really happened?" Sabi no'ng isang babaeng kaklase namin. Si Juvil na isa sa mga kaibigan ni Carmela.

"Well, it's a suicide case." Kalmadong sabi nya. Suicide? How? Eh walang lead na makakapagsabing suicide 'yon sabi ng mga pulis. Does he want to convey that these cops are fool?

"Nagpakamatay si Carmela because of her frustrations." I was shookt when he said that. Hindi imposibleng gawin nga iyon ni Carmela. Frustrations and depression are not that easy as they think.

"Sinabi rin no'ng Ex nya na kakabreak lang nila kahapon. I get her phone at nabasa ko ang exact conversation nila ng boyfriend nya. She didn't want to break up with him kaya sinuyo nya 'yung ex nya, pero ayaw n'ya na talagang makipagbalikan. Sinabayan pa ito nong napahiya sila no'ng ipinatawag sila sa Head Office kanina." Nagpakawala ako ng malalim na hinga.

I pity her. Nagkapatong-patong na rin pala ang mga problema niya, somewhat I feel guilty dahil hindi maitatangging I added fuel to her fire. I wanted to blame myself, but I know it won't help.

"She lost the courage to live kaya she ended up with this solution. Am I right Jimmy?" He continued. Jimmy just nod while he can't prevent his tears from falling.

Tinanggal na rin ng pulis 'yong posas sa kamay ko.

"How about the note? With my name?" I asked without any hesitation, I really wanted to clear my name from this mess.

"It's not yours, but it's the initial full name of her ex. Jimmy Aldrin Capiz Enrique, that's why it was written in capital letters." Nakahinga ako nang maluwag dahil doon, mukhang ma-aabswelto na talaga ako.

"Paano nagkaroon ng dugo sa damit n'ya? At yong lubid sa locker n'ya?" The police asked, mukhang medyo naniniwala na sila rito sa lalakeng ito a. I was about to ask that question kaso naunahan na rin ako.

Case MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon