Chapter Four: The Mystery Box

79 9 8
                                    

"The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes."

-Sherlock Holmes

___________________________________

POV OF ACE

"Tama ate. Pero huli na ang lahat dahil hinahanap na nila ngayon ang nawawalang kwintas." Ano bang meron sa kwintas na 'yun at hindi pinapagamit sa akin? Ako lang naman ang nagmamatigas na kunin at suotin ito 'pag lumalabas ako dahil umaasa ako na baka dahil sa kwintas na ito ay makikita ko ang tunay kong pamilya. Pero nang dahil sa nangyari kanina, malamang hindi ko na uulitin ito.

"Ace! Kinuha mo nanaman ba ang kwintas?" I was shocked when someone interrupt, this time parang seryosong seryoso ang boses at mukha nila na para bang nawala ang susi ng isang kabaung nalock na buhay pa ang nasa loob no'n. Shocks! What to do? How can I return a missing stuff?

"W-wala po. Hindi ko po nakuha." I tried to look innocent, pero hindi ako makatingin nang direkta sa mga mata nila at mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Nawawala po ba Mother Olivia?"
"Sa tingin mo ba hahanapin namin kung hindi nawala?" Pambabara ni Madam Omar. I prevent myself from rolling my eyes. Malapit na talaga akong ma-highblood sa kaniya.

"Baka naman po mamiss placed n'yo lang, o baka naman po may nakalipat ng lalagyan habang naglilinis. Imposible namang mawala 'yun dito." Sagot ko naman. Hindi pweding maghinala sila sa akin, kahit damang dama kong pinaghihinalaan ako ni madam Omar. Hindi lang basta hinala, dahil buong buo na ang desisyon niyang ako ang kumuha.

"Imposible ngang mawala 'yun na tayo-tayo lamang ang tao rito maliban nalang kung may isang taong kukunin 'yun at hindi aamin sa ginawa niya." Mabagsik na banat naman ulit ni Madam Omar na pasimpleng tumingin sa dereksyon ko. Tsk. Lahat ng tao rito sa bahay ampunan ay nandito ngayon nakikinig sa usapan namin.

"Kung sinuman ang nakakuha no'n, pakiusap ibalik n'yo na. Hindi maaring mawala ang kwintas na 'yun dahil napakahalaga no'n. Malaking koneksyon sa buhay ni Ace ang kwintas na 'yun." Nagsusumamong nangungusap si mother Olivia sa bawat isa. Somehow I felt some guilt inside by body. I'm sorry. Ibabalik ko naman 'yun humahanap lang ako ng tamang tyempo.

"Mama Olivia, huwag po kayong mag-alala baka nga po tama si ate Ace. Siguro na itabi lang 'yun. Lalabas at makikita n'yo rin po ulit 'yun kapag siguro hindi na natin hinahanap. Ganyan naman po palagi diba, kung hinahanap natin hindi lumalabas pero kung hindi na saka lumalabas at nagpapakita ang isang bagay. Sa ngayon po sa tingin ko kailangan na po nating magpahinga." Ngumiti ang limang taong gulang na batang akala mo kung sinong matanda kung magsalita.

"Sana nga." Salamat sa batang ito sa pagligtas sa akin sa ganitong mga klaseng sitwasyon. I owe her a lot. Pumasok na rin sina Madam Olivia, Grace at Omar sa kanikanilang mga silid.

Ganon din ang ginawa ng ibang tao rito maliban sa amin ni Macee.

"May utang nanaman ako sayo, dalawa na." Pabirong sabi ko sa batang nasa tabi ko ngayon.

"Hindi lang sa akin, kundi pati na rin sa ibang mga bata." Oo nga pala, pati sa kanila may utang din ako. Dahil hindi rin sila nag-ingay na suot ko kanina ang kwintas na 'yun.

Case MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon