-32-

5.2K 117 3
                                    


Nanghihina ako sa klase ng halik na ibinibigay nito sa akin. Para bang yung ilang taon na hindi kami nagkita ay binabawi nito ngayon. Sobrang hirap mamili kung pipigilan ko ba ito o hindi.



Itutulak ko na sana ito ng siya na mismo ang tumigil at pinagdikit ang mga noo namin.



"I miss you wife. I miss this." sabi nito sa mababang tono. Para bang anytime ay bibigay na ako dito at babaliwalain lahat ng pangaral sa akin ng lola at ng nanay ko. "Don't ever leave me again wife, I'll go insane. Trust me, inayos ko na ang lahat."


Should I tell him the truth? Should I tell him that I still love him despite of everything happened between us? I know I am a little bitch because I acted for 4 long years as if he doesn't exist anymore, pero dahil lamang naghihintay ako ng sign o hudyat para malaman kung karapatdapat pa bang bumalik kami o hindi na.



Lola Claridad and my mom was my strength during those days. Hindi din naman sinabi ni Lola ang tungkol kay Chase at Nicole, noong pagkauwi ko lamang nalaman ang tungkol doon. Si James lamang ang nagkwento sa akin na wala ng Nicole na hadlang sa amin ni Chase kaya naman noong nalaman ko iyon ay hindi ko alam kung paano ko ioopen ang tungkol sa aming dalawa lalo na't walang kasiguraduhan kung meron pang kami, o wala na.




"Hey, you're spacing out" wika ng taong nasa harap ko. Napakurap ako dito. Oo nga pala nandito ang damuhong ito. "You know, you should pack your things and let us go home wife". aya nito sa akin.



"Teka nga Chase, wife ka ng wife. Akala ko ba ay magpapakasal na kayo nung Nicole bago ako umalis?" Kahit pa alam ko na ang totoo ay hindi ko pa din sasabihin dito at magtatanong ako. Ang tanging alam ko lamang kasi ay hindi ito nagpakasal kay Nicole at wala na ito ngayon.



"Kamay mo ang hiningi ko sa papa mo Andrea" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Talaga ba? Tinignan ko ito ng nakataas ang isang kilay. Umatras ako upang makapagpamewang sa harap nito.


"At sino namang nagsabi sa iyo na may karapatan ang tatay kong magdesisyon kung sino ang pakakasalan ko?" Nakakainis! Kung gusto niya palang magpaalam sa tatay ko sana ay sinabi niya agad sa akin, tsaka.. "Bakit mo hiningi ang kamay ko sa tatay ko eh di'ba kasal tayo noong mga panahon na iyon?"



"I want to.. I want to correct my mistake Andrea. Kaya naman sa harap mismo ng papa mo at ni Nicole ko sinabi iyon. Para na rin tigilan na ako nito. I am free now, wala ng kahit na anong tinatago sa iyo. I became more deserving person para sa iyo"



Tinitigan ko ito. Nakikita ko ang pagsusumamo sa mga mata nito. Sa nakikita ko din ay totoo ang mga sinasabi nito sa akin.



"Kaninong anak si Dariel Andrea?" Pagbabago nito ng usapan. Alam kong hindi mawawala sa isip nito kung sino ba si Dariel sa buhay ko at ni James.




"Dariel is James' daughter to Daniella. She is one of the strongest women I know. Inihabilin lamang ni James sa akin ang bata dahil wala ang kanyang ina" paliwanag ko dito.



"Halika na, ayokong nandito ka dahil kahit may anak pa sa iba ang pinsan ko ay di ko maiaalis sa akin ang magselos." Akmang hihilahin niya ako ng pigilin ko siya at umiling.



"Hindi pa pwede Chase."


Akala ko ay hindi niya ako mauunawaan at ipipilit niya ang gusto niya ngunit laking gulat ko ng abutin nito ang first aid kit at niyaya ako sa sala. Ipinagamot niya sa akin yung naipit niyang kamay na nawala na sa loob ko. He really changed. Gone was the man who always in an angry state. Gone was the man who always smirked at me.



Habang ginagamot ko ang sugat nito ay hindi ko maiwasang mailang. Paano ba naman kasi ay nakatitig lamang ito sa akin buong oras ng paglilinis at paggagamot ko sa sugat nito. Mukha ngang hindi niya alintana ang sakit nung sugat niya sa kamay eh.



"Stop staring Chase!" Saway ko dito na mukhang hindi din naman nito pinakinggan. Kaya naman ipinagpatuloy ko lamang ang paggagamot dito hanggang sa may magdoorbell na naman.




Nagpresinta si ito na siya na ang magbubukas tutal ay nililigpit ko ang mga gamit ng first aid kit at siya lamang ang available.



Natameme ako ng magsalita ang mga bago kong bisita.



"Mommy, I thought you are busy?" sabi ng anak ko na nakapameywang na at naglilipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Nakita ko naman paanong nanlaki ang mata ni Chase sa batang nakapameywang sa harapan niya. Sumunod na pumasok si James at nagsmirk sa akin. Abat! Kanina lamang ay kasama nito si Dan ah! Pinalayas siguro. Serves him right! 😏


"Sorry Yaz, he's kinda interested who's with you kaya naman dinala ko na dito. Hindi ko naman alam na pinsan ko pala ang nandito." Tinignan ito ni Race.


"Talaga daddy James, pinsan mo po siya?" Tumango naman ang si James sa tinuran ng anak ko.



"Mauuna na ako kiddo, ikaw na ang bahala sa mommy mo." At tuluyan na itong umalis. Siya pa nga ang nagsara ng pintuan dahil nanatiling nakatayo doon sa may pinto si Chase.



Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng tignan ako nito.





"You've got to be kidding me" yun lamang ang namutawi sa kanyang bibig bago niyakap ang batang nasa harapan niya.

..
AN:

Bawi-bawi ng update habang walang gawain at paperworks. 😂

Marriage With Contract (Arragona Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon