-35-

5.5K 92 3
                                    




One week ago, ni hindi magawang kausapin ni Race ang ama niya. Lagi na nga lang din nag-aaya itong pumunta sa kanila James para makita niya daw si Dari. Pero ngayon heto sila ng ama niya at nagsasasayaw sa sala. Paano ba naman kasi ay pinagtitripan nito ang sariling ama at pinasasayaw sa Just Dance. Ang mas malala pa ay yung mga may animals na kasama ay ipinasasayaw dito.



Isang nang-uuto at isang nagpapauto. Dito mo makikita kung paanong sakripisyo ang ginagawa niya para malapit lamang sa kanya ang anak namin, which is a good sign.





Kasalukuyang nagmimeryenda ang anak ko habang pinanunuod ang ama niya. "Mommy can you take a video of Daddy while dancing?"



Pareho kaming natigilan ni Chase. For the first time ay tinawag ni Race ang ama niya ng Daddy. Nagkatinginan kami ni Chase at lumapit ito sa anak niyang ngumangata ng cereals.




"Did you just call me daddy Race?" Chase asked.





Nagkibit balikat lamang ang anak ko at napabuntong hininga si Chase ngunit nangingiti naman. Halata ko ding nagpipigil ng ngiti ang baby ko. At last!





"Kamusta ang preparations sa event?" tanong saa kin ni Chase habang sinisimsim ang orange juice na ibinigay ko rito.




Hindi naman ako makapagfocus sa kung ano ang sinasabi niya dahil ang sinusundan ng mga mata ko ay yung mga butil ng pawis niyang pababa sa maskulado nitong dibdib! Shems! "Bat ka ba naghuhubad sa harapan ko?" Bulalas ko dito na ikinatawa naman ng huli.




"Masama na bang maghubad? Kung naiinitan ako eh. Thank you sa juice. And please, answer my question."





"Huh? Ano bang tanong mo?" Nakakainis, nang-aasar pa ito. 😡





"Mom, Dad ask how's your event." Race replied instead of his father. "You should listen mom. Tito James said kapag daw po ang girl ay nakatulala sa boy ibig sabihin na popogian ka daw po sa boy. Is it true mom?". James!. Pero sa halip na mainis ay natuwa na din ako dahil unti-unti nagbabago ang anak ko. Gaya ngayon, tinawag niyang daddy si Chase at tito si James. Improving..




"No! Hindi ganoon iyon baby wag kang maniniwala kay tito mo." Pagtatama ko dito. Si James naman kung ano anong tinuturo sa bata.





Nakita ko namang papalapit sa akin si Chase habang nagpupunas ng pawis. "Napopogian ka pala sa akin eh." He teased me. And all I know is that I am as red as a washington apple right now!





"Uy kiddo, tignan mo si mommy mo nagb-blush" sabay nagtawanan ang mag-ama, juice colored! dalawa na sila.




Imbes na pansinin ang pang-aasar ng mag-ama ay inabala ko ang sarili ko sa paghahanda ng makakain namin mamayang tanghalian. Bigla namang sumulpot ang malaking damuho sa gilid ko.





"Sorry, we're just having fun. I love you." He kissed my cheeks na siyang nagpatigil sa akin sandali. Hindi pa din ako sanay.





Sa loob ng isang linggo na pananatili sa bahay na ito at kasama si Chase ay walang araw na hindi ito nagdeclare ng pagmamahal niya sa akin. Hintay muna.




"I missed this. You cooking for me, for us. Ang sarap lang talagang nandito na ang reyna ng bahay na ito." I can't help but to smile. He's so sweet. And it melts my heart everytime he say something sweet.





The other side of my Chase that he is showing lately.




Nagp-prepare ako ng lamesa ng may nagdoorbell. Dahil linggo ngayon at day off ng mga kasambahay ay kami-kami lamang ang naririto.





"Hello besh!" Sabi ni Ritzel habang karga-karga si Kaisler, her 2 year old son.




Nilapitan ko naman ito at nakipagbeso. Ang tagal ko din itong hindi nakita. Ang huli ata ay noong isang taon pa lamang si Race. Umuwi kami dito sa Pilipinas ng walang nakakaalam dahil sa pagkakasakit ng nanay ko. Doon ko naman kinuha ang pagkakataon uoang muling makausap si Ritzel. Tanda ko pa noong nga panahong iyon ay halos mawalan na ito ng pag-asa sa relasyon na mayroon sila ni Kid.





"Hi baby Kai!, I miss you besh!" Sabi ko dito habang nilalaro si Kai.




"Luka ka, akala ko ba magpapakipot ka?" Bulong nito sa akin sabay kurot sa tagiliran ko.




"Aray ko naman! Hindi pa naman ako umuoo sa mga inaalok niya sa akin. Ang akin lang dapat makilala ni Race ng lubusan ang tatay niya" pagdadahilan ko. Pero syempre, kahit anong sabihin mo ay laging pagdududahan ng bestfriend mo.




"Nako! Makire ka rin ano?" Sus! Eh bakit ba, hihindi pa ba ako eh ang isda na ang lumalapit sa pusa. Meow! 😂




"Kain na kayo, sakto at naghahain na ako"




"Nako! Kaya nga namin tinapat na tanghali, namimiss ko na kasi ang luto mo besh" inilapag nito si Kai sa kanyang stroller.





"Ang sabihin mo lang patay gutom at kuripot ka pa din!"





"Aray besh ha, truth hurts kaya. Anyway, nasa labas si Kid kausap ang pinsan niya. Buti nga doon sa lalaking iyon, at least nagbago naman siya besh. " talaga nga naman oo, nauna pa sa may-ari ng bahay kumain.






Akalain mo ba naman, nilalansi lang ako nito at busy na ito kangunguya. Wala pa ring ipinagbago. "Si Race ba nakita mo?"





"Noong dumating kami ay umakyat at nagmamadali eh.." Takot naman kasi ito sa tao talaga. Ewan ko nga ba kung bakit lahat ng katangian ng tatay niya ay namana. Di nakuha pagiging amazona ko. Sa susunod na baby ko dapat akin na lahat ng traits. Ay kabog! Hihirit ka pa ng isa? Talandi 😂




"Yaz, alam mo ba kung sinu-sino ang mga models ni Dexter?"





"Hindi ko pa natitignan, bakit may balita na ba?" Busy kasi ako sa drcorations ng event jaya hindi ko pa nabibisita ang guest list at models.




Iniabot nito sa akin ang cellphone niya at nakita ang article about sa event 3 days from now. Iniscan ko ito at bumilis ang puso ko sa dalawang pangalang naging bangungot ng nakaraan ko, naging dahilan ng maagang pagkamulat ko sa katotohanang hindi fairytale ang buhay.







Mr. Guillermo and Silvia Solivan









Marriage With Contract (Arragona Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon