Matching Error - Entry One

111 6 4
                                    

“I am Celedonia Caupoy, 19 years of Age, BS in Psychology, Philippines!”

*Clap, Clap, Clap*

Agaw eksena naman tong si Papsi kaasar -_-

“Hay naku Anak, kung sumali ka kasi doon edi sana kayong dalawa ni Sandrew ang nanalo” lumapit sa akin at umakbay

“Paps, Nakikita mo ba tong mukha na to” tinanggal ko yung pagkakaakbay tapos humarap sa mukha ni Papsi habang tinuturo ko yung mukha ko.

Anak, Alam mo ginawa tayo lahat ng diyos ng pantay-pantay. Kung di ka man binigyan ng pinakamagandang mukha sa mundo, ikaw naman ang pinakamabait ,may simpleng ganda pero pinakacute na babae sa buhay ko,O siya may pasada pa ko”

^ (*\___/*) ^ Ang sarap magkaroon ng Tatay pero ano kayang pakiramdam ng may Nanay?

Bago pa ako magdrama, magpapakilala na ko, I am Celedonia Corazon Caupoy. Pero I prefer Celine, Ang oldies kasi pag Celedonia odikaya Corazon kaya tawag sakin ng nakakarami ay Celine. I have only a father in my life. No brothers, no sisters and No Mother. Hindi ko alam kung bakit pero nung tinanong ko kay Paps kung bakit, hindi niya sinagot at hindi ako pinansin ng isang buwan..

Dejk, Isang araw lang. Kaya I never attempt naring itanong pa ulit sa kanya. I think behind that, there is a very heart-breaking story. L Ok na kong kaming dalawa lang sa buhay.

“Tsong, nandyan si Twin?” narining ko galing sa labas kausap si Papsi

Sa boses palang kilalang kilala ko to, Si Twin, Twin callsign namin pero Violet ang pangalan niya. , bestfriend ko kahit worst enemy ko siya nung grade 3. Paano ba naman, nilagyan niya ng bubble gum yung buhok ko.

Naging magbestfriend kami nung Grade 4 sinisipon siya e wala siyang panyo kaya binigyan ko siya ng ICE CREAM, Oo Ice Cream. Ganti ko sana sa kanya yun kaso -_- Natuwa pa siya at kinaiin yun. Mula nun nagging mag bestfriend na kami

Ancorrnniii no? HAHAH. Lumabas ako para salubungin siya

“Hindi pwedeng hindi nya ko mahal, hindi pwedeng iiwan niya ko” Umiiyak na sabi habang palakad palapit sa akin

“Tanga ka ba? Pinaglalaruan ka lang niyan. Nagpapakamartir ka e may syota na yung tao.” Sabay batok

“Aray naman. Hoy Cledonia, wag mo kong idamay sa pag bitter mo sa love. Perrooooo. Hindi talaga pwede”

Hinatak ko siya sa loob ng kwarto ko, chos sa loob ng bahay namin. Magkakakwarto pa ko e ang liit litt ng bahay namin. Isang monoblock, Dora box na maliit at papag lang kasya at ang lahat hanging na. HAHA. Nakikibanyo lang kami sa kapit bahay. Ang purita ko talaga. Umupo kami sa Papag

“Bakit ba hindi pwede?” Nilapit ko labi ko sa tenga niya “ Nabigay mo na ba?” Bulong ko

“Anong binigay?” Pagtataka niya

“Binagay yung ano? Yung yung?”

“Yung pagkakababae ko?”

“Ano nakuha niya na?”

“Hinalikan niya ko, Ang lambot ng labi niya” Putekk kinikilig pa.

“Ano nga kinuha niya na ba?” Landi talaga nito

“Hinlikan niya ko sa leeg, pababa…” Dinedemostrate pa ng babaitang to -_-

“Hanggang sa baba?”

“Hanggang….” In seductive way pa

“Hanggang?” Asar talaga ko sasabunutan ko na to.

TROUBLE IN LOVE - Matching ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon