CHAPTER ONE: DAY DREAM!Christine's POV
"Princess gumising ka na tanghali na!" Kuya Noma. Hayyyss ang aga-aga pa naman weh.
"Kuya 10 minutes pa..." Pa tapos na yun weh andun na yun weh nasa climax na ako. hahalikan na ako ng Prince Charming ko, hihihihi!
"Gumising ka na diyan bubuhusan kita diyan!" Hahalikan na nya ako OMG!!!
"Waaaaaaaahhhh" Ang lamig waaaah. "Kuya ano ba yan! basa nanaman yung gamit ko" Irita kong sabi. Paano ba naman kasi andami niyang binuhos na tubig sa higaan ko parami ata ng parami tss!
"Noma, Princess anak bumababa na kayo diyan handa na yung agahan" Pasalamat ka kuya tinatawag na tayo ni Mama kung hindi! Hayyys...
"Mauna ka na bumaba kuya" mahinahon kong sabi, nagtataka siguro kayo kung ndi ako galit,sanay na kasi ako weh. Ginawa ko na ang aking Daily Routine.
Jake Emmanuel Lopez - "JAKE" seventeen years old ang dreamy Prince Charming ng buhay ko. Exodus Band Drummer, Basketball player #23 at magbe-bestfriend sila nila Kuya Jake, Zeke at si Jeydon. Lapitin ng mga Babae, Ako naman takbuhan ng mga lalaki char! Outgoing siya at litaw ang kaniyang kakulitan. His features, are the opposite of Jeydon. Ang hitsura? Maypagka mestizo, fair-skinned, matangos ang ilong at Six feet tall.
Pagkababa ko nasa hapag kainan na sila, ako na lang ata yung hinihintay. "Princess maupo ka na malalate na kayo ng kuya mo" habang may kausap sa telepono si Papa. Uupo na sana ako ng madulas ako"Wahahah hahahaha" si Kuya, ndi ata nila ako napansin habang si kuya tawa lang ng tawa, inirapan ko na lang sya makakaganti din ako somehow aha!papapuntahin ko na lang dito si ate Nicole mamaya wahahahaha sa loob ng aking isip.
Matapos kaming kumain.
si Yaya Linda nag-aayos sa aming pinagkainan. "Hoy! Panget bilisan mo iiwan na kita" Kumaripas ako ng takbo pagka sabi ni Kuya papunta sa aking silid upang kunin ang aking bag."Kuyaaaaaaaaaaaa" Hayyys kainis! Maglalakad na naman ako... "Humanda ka sa akin mamayaaaaaa!!!" Pasigaw kong sabi.
Angelo Noma Smith - "NOMA" Seventeen years old. Dakilang kapatid ko. Guwapo rin an aking kuya, matangkad as in! masmatangkad ng mga 2 inches? kay Jake. Hawig niya ang aming Ama. Bumalik siya dating kinagisnan niya nang maheartbroken siya kay ate Nicole. Basketball player #01.
Habang naglalakad iniisip ko kung kailan ko kaya siya makakausap o malalapitan man lang o kaya makakabangga tapos matutumba ako tapos hahawakan ang aking bewang ako naman nakahawak sa kaniyang balikat taposssss Hahalikan nya ako OMG!!!!! Tama na nga ang pagpapatantasya. JAKE LOPEZ!!!
Sa room... tuloy parin ang aking pagpapatantasya... " Christine Leigh Anne Smith" Me tumatawag sa akin from a far. A familiar voice, Boses na gustong-gusto kong marinig kapag tinatawag ang aking pangalan, which is Jake Lopez! Boses na ndi ko ma-explain kung bakit pero sa tuwing binabanggit ang aking pangalan masaya ang nararamdaman ko tatakbo na sana ako nang...
"Teka maysasabihin ako sa 'yo" Hinihingal ang kaniyang boses. Nasa likuran ko siya. Nararamdaman ko sa aking batok ang bawat paghinga niya. Humawak siya sa aking balikat. Para akong estatuwang napako sa aking kinatatayuan sa mga oras na iyon. Yumakap siya sa akin OMG! Naririnig ko pa rin ang bawat paghinga niya. Nararamdaman ko rin ang bawat pagtibok ng kaniyang puso. Mabilis... Bumibilis... at lalong Bumibilis nang sinabi niyang...
"I-I like you, Miss Smith. Please be my girlfr--"
"Yes, yes! Of course. Why not!" Sigaw ko. Pero patuloy parin niyang sinasabi na "Miss Smith, Miss Smith please answer my question" Boom pop pop pop Boom!
BINABASA MO ANG
The Dreamy Girl!
Teen FictionIs her DREAM will come true? Or It's only her dream that would never happens? Ating alamin kung hanggang panaginip at pagpapatantasya lang siya.