Maxpein

124 5 0
                                    

Maxpein Zin aking pangalan
At ako'y may ubod na kahambugan
Kilos ko'y iyong hahangaan
Pasensya na at ito'y aking kinalakihan

Magaling akong makipaglaban
Lalo na sa sapakan at sa suntukan
Gusto mo ba itong maranasan?
Pwes! Alamin mo nag-iisa kong patakaran

Binully na ako minsan
Ng apo ng may ari ng aming paaralan
Di ko ito malilimutan
Dahil sobra itong tumatak sa aking isipan

Naalala ko pa nga noong unang araw
Pinatid nya ako at tuwang-tuwa sya't nag-uumapaw
Kaya sinapak ko sya't dinungaw
At nasabi ko pa nga sa kanya "yang mukha mo parang Siopao"

Di ko akalain na ganon ang galit nya sa akin
Lagi nya akong hinahanap para ako'y pahiyain
Di nya ba alam na ako'y nasasaktan din
Babae rin naman ako at may damdamin

Palagi kaming nag-aaway
Naggagantihan ng walang humpay
Hanggang sa ako ay naumay
Kasi gusto ko ay diploma sa buhay

Natunghayan nya aking pag-iyak
Nong mga panahon parang puso ko'y mabibiyak
Pagkatao ko kasi ay naaapak
Ng mga taong gusto akong mawasak

Hanggang sa nagbago pakikitungo nya sa akin
Bumait sya't tila nagbago ang ihip ng hangin
Biruin mo sya pala ay nahuhulog na sa akin
At grabe naman sya, parang bakla kung kiligin.

Deib Lohr Enrile ang kanyang pangalan
Wag na wag mong susubukan sya'y saktan
Dahil kapag nilabag mo aking patakaran
Buhay mo'y di na aabot kinabukasan.

Poems about He's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon