Deib Lohr Enrile

239 5 0
                                    

Deib Lohr aking pangalan
Kilala ako bilang campus bully sa aming paaralan
Trip na trip ko ang kababaihan
Lalo na ang babaeng Maxpein Zin na magaling sa bilyaran

Unang araw ko sa aming paaralan
Nakita ko kanyang mukha't aking tinitigan
Walang emosyon yon at parang sa iba'y di ko man lang namalayan
Kaya nang dumaan sya'y aking pinatid at pinagtawanan

Gayon na lamang aking pagkabigla
Tumayo sya at ako'y sinapak agad sa harap ng madla
Para syang lalaki kung makaasta
Kinuwelyuhan nya ako't sinamaan ng tingin ng walang bahala.

Hanggang sa siya'y aking hinahanap
Gusto ko syang makita at makaharap
Pati buong detalye sa buhay nya'y gusto kong makalap
At ipatikim sa kanya ang ganti ko na walang kahirap-hirap

Napakarami ko nang nagawa sa kanya
Nilagyan ko ng mga bubble gum ang buhok nya
Tuwang tuwa ako kapag nagagalit sya
Parang bulkan syang sasabog at kapag ika'y malapit sa kanya mamamatay ka ng maaga

Talagang sa lahat ay kakaiba sya
Ngayon lang ako nakakilala ng tulad nya
Pag-aaway namin talagang sukdulan na
Pati ibang tao namamakialam na

Natunghayan ko ang pag-iyak nya
Nanlumo ako't di ko kinaya
Diploma sa buhay talagang pangarap nya
Kasi yon ang gusto nyang ibigay sa kanyang pamilya

Akala ko sya'y di mayaman
Akala ko sya'y walang kaalaman
Akusasyon ko pala sa kanya'y walang batayan
Kaya ako itong walang panama sa kanyang katangian

Napakagaling nya sa sayawan
Pati mga tao sa kanya'y nagsisigawan
Bilib ako sa kanyang kakayahan
Talagang walang ikukumpara kung kaninoman

Hanggang sa ako'y nagbago
Pinakasamahan ko sya ng husto
Sana mapatawad nya ako
Kasi unti unti ko na syang ginugusto

Akala ko nga si kim na para sa akin
Dalawang taon ko syang nililigawan pero di nya ako sagutin
Pero heto ako't kay Max nahuhumaling
Nag-iisa kong Taguro, Sensui bansag sakin.

Ginagawa ko ang lahat mapasakin lang ang oo nya
Talagang panghaharana ay ginawa ko na
Maangkin ko lamang ang babaeng nag-iisang siya
Kasi sya na talaga ang gusto ko at hindi ang iba

Lubos ko nang ipinapahatid kung gaano ko sya kamahal
Kahit hindi nya pa ako sinasagot ay gusto ko na sakin sya'y ikasal
Baliw na kung baliw ganon talaga ako magmahal
Ayaw ko ng may kaagaw at sya lamang pangarap ko ng kaytagal

Hanggang sa dumating na ako'y kanyang sagutin
Sa wakas minimithi ko aking nakamtam din
Pati mga puso ako'y hinahabol na rin
Para tuloy akong bakla kung kiligin

Matagal na panahon din kitang nakasama
At yong mga memories natin di mawawala sa aking alaala
Kasi ganon ka sakin kahalaga
Dahil ikaw lamang ang first and last girlfriend ko na minahal ko ng sobra

Maraming beses na tayong nagkahiwalayan
Mga pagsubok atin nang nalampasan
Kaya BabyBabe ko bilib ako sa ating katatagan
Masayang masaya ako dahil sa huli tayo pa rin ang nagkatuluyan.

Poems about He's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon