ATY5: We meet again

13.5K 174 19
                                    

ATY 5 : We meet again

 

“It’s good to see you again Josephine.” Ngiti ng isang matandang lalaki, he’s my uncle. Kapatid ng daddy ko.

“Look at you, you’ve grown up so beautiful.” Sabay pat niya sa ulo ko. Grown up daw pero parang bata ang trato sa akin. Natawa nalang ako.

“Kayo talaga uncle, di pa din po kayo nagbabago.” Tapos niyakap ko siya.

“Hohoho. Ikaw rin naman hija, sweet ka pa rin.” Yung tawa ni uncle parang kay Santa Claus. Ho Ho Ho. Haha.

Sinalubong ako ni uncle sa airport at ang sabi niya diretso na daw kami sa kumpanya na pinapasukan niya. I need to meet the CEO of the company daw. So ayun, buti nalang napaghandaan ko yun at presentable naman ang suot ko ngayon. I wonder how old is that CEO, sana kasing bait siya ng uncle ko.

________________

(LOEL CORP)

Woah. Ang laki palang department store nito. Halos parehas lang siguro ito ng SM ano?

“Ang mall na ito ay di tulad ng SM hija, mga mayayaman ang nagpupunta dito at namimili.” Wow, narinig ni uncle yung tanong ko? I just nodded in response.

Nararamdaman kong pinagtitingnanan ako ng mga tao. I wonder why? Do I look strange?

“Hoho. I bet nagagandahan sila sayo hija, tignan mo. All eyes are set on you.” Mind reader pa ata itong uncle ko.

Nakarating kami sa 12th floor kung saan nandoon ang office ng CEO.

*inhale*

*exhale*

“Good afternoon, upo ho muna kayo sandali sir, I’ll just inform the CEO that you’re here.” Sabi nung secretary. Saka siya kumatok at pumasok sa room ng CEO.

 

CEO’S POV

 

*knock knock*

“Come in.” sabi ko sa secretary ko ng hindi iniikot yung upuan ko.

“Sir, nandito na po si Mr. Norman.” So ang bagong General Manager ng MIS team nandito na. I wonder if she’s good. Josephine Eloise A. Norman. Why do I have a feeling that I know her?

“Let them in.”

 

JEAN’S POV

 

“Pasok na daw po kayo.” Sabay bow ng secretary. Nagbow naman kami ni uncle saka pumasok sa loob ng office.

Addicted To You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon