PROLOGUE
NapakaDaming tao sa buong mundo at isa lang ako sa lahat ng iyon. Im "One over a million" fans na palihim na sinisigaw ang pangalan mo. Palihim na pinagpapantasyahan ang pangalan mo.
Isa ako sa naglulunod sayo sa pagmamahal, naging inspirasyon mo habang nagsusulat ka ng musika. Ikaw? narinig mo na ba ang paghimig ng mga puso ko patungo sa puso mo?
Sa tuwing makikita kita sa TV namin nakikipag-away pa ako sa nanay ko para lang maging update sa mga nangyayari sa buhay mo, eh ikaw? nasilayan mo man lang ba ang muka ko?
Simula sa pagkabata mo alam na alam ko ang paborito mong laruan, Spongebob hindi ba? ang paborito mong pagkain, Burger pattie hindi ba? hindi ko pinapalampas ang bawat araw na hindi tignan ang litrato mo sa pader, tv, cellphone, magazines.. etc
Kasalanan mo din kung bakit namamalat ako sa tuwing napapasigaw ako sa kilig kapag naririnig ko ang boses mo sa radyo, ikaw din ang dahilan kung bakit may 2 kilos eyesbags ako araw araw.
Namamayat na din ako kakatipid ng baon ko para lang makabili ng mga magazines na nilalako sa labas ng school namin. Dumarating pa sa puntong binabantaan ko ang tindera na itago ang pinareserve kong poster mo dahil kinulang ako sa pera.
Akala nga ng nanay ko, nagwawaldas ako ng pera dahil puro papel ang binibili ko. Muka na daw akong nagbebenta ng diyaryo dahil lahat ng posters mo ay updated ako.
Naalala ko pa nung isang araw nung naunahan ako ng isa kong kaklase sa poster mo, halos makipagpatayan ako para lang maagaw ito sa kanya. Nasira pa nga yung kawit ng palda ko eh, ayun umuwi ako ng pupuwit puwit.
Hindi ko alam kung paano ako nabaliw o baka naman baliw talaga ako? Baliw na baliw ako sa isang katulad mo. Hindi ka naman ganun kaguwapo katulad ni Edward Cullen o kasing macho ni Jacob black pero bakit ganun?
Araw araw kong nasisilayan ang kinis ng muka mo sa school na walang kabakat bakat ng white or black heads pero ni kahit 20feet hindi ako makalapit sayo dahil sa mga mukang hipon nating mga kaeskuwela.
"I love you from afar?" naririnig mo ba ang puso ko, naririnig mo ba ang pangalan mong paulit ulit na binabanggit nito.
Hanggang tingin at sulyap na lang ako sa pangarap ko, hanggang titig sa malayo na lang ang kaya kong ibahagi sayo. Nakikita mo pa kaya ako sa milyong milyong asungot na katabi ko sa paligid mo.
"One over a million"
