Compatible.

39 3 0
                                    

Yohooo Inday bitter is in da house!

Melissa's POV

Sabi nila, Sa mahigit isang bilyong taong nakatira sa mundo, May mga tao talagang nakatadhana mong makilala. Minsan iisipin mo nalang na sana Hindi na lang kayo nagkatagpo kasi sa huli ikaw ang maiiwanan at masasaktan. Kasi ikaw ay napamahal na sa kanila.

At sa pagkakataong ito nakilala ko ang lalakeng nakapagpabago ng mundo ko.

Jethro Manansala. Gwapo, matalino, mabait at higit sa lahat gentleman. Siya na yung masasabi kong ideal man ko. Until one day...

Nang naglalakad ako sa school field, may nabunggo ako.

"Naku miss sorrryyyy!" sambit niya sabay kuha ng mga libro ko. "Are you okay?" tanong niya pa. "A-ahh oo ayos lang ako." sagot ko naman sa kanya. "I'm so sorry talaga." hingi pa niya ng paumanhin sa akin. "It's okay." sabi ko na lang. "Para makabawi ako sa iyo labas tayo. Mag star gazing tayo!" Niyayaya niya ba akong makipagdate? "Are you asking me out for a date?" diritsahang tanong ko na sa kanya. "I don't even know you for heaven's sake!" dagdag ko pa. "Sabi ko nga hindi pa tayo magkakilala. Jethro Manansala nga pala." pakilala niya. "Melissa Bernadette Guzman." sabi ko. "I think we are compatible. Let's try hang out together!" sabi niya. "huh?!" naguguluhan kong tanong. "Wala! tara!"sabay hila sa akin. Saan ba ako dadalhin ng lalakeng ito? "Teka san tayo pupunta?" tanong ko habang hila hila ako ni Jethro. "Mag sta star gazing nga tayo di ba? Tara na dalii!" sabi niya. Kuminang naman ang mga mata ko. Isa kasi yun sa mga hobby ko.
After that incident palagi na kaming magkasama. Pareho pala kami ng course. Chemist kasi yung course ko related sa science and favorite ko naman ang science so yun na ang kinuha kong course. Ayun na nga palagi kaming magkasama and parang tama ngs yung sinabi niya sa akin na compatible kami. Partners in crime din kami. Favourite spot namin? San ba lagi nakatambay ang mga nerds? Syempre sa Library. At sa tuwing may activity sa PLANETARIUM, lagi kaming VIP ni Jethro.
Until one day... Sa Library....
Nagbabasa ako ng mga books para may maisagot ako sa incoming exam namin ng biglang may mga librong dala dala si Jethro.
"Bakit ang dami naman nyang mga libro mo Jet? Mababasa mo ba lahat yan?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko yan babasahin. Alam mo bang naubos na natin lahat ng libro dito sa Library? Lahat ng libro may pangalan na natin!" literal namang nanlaki ang mga mata ko. "For real?" ngumingiting tanong ko. "Oo. Tingnan mo!" ayun isa isa naming binuksan ang mga libro. Super saya ko dahil kasama kong tumatawa ngayon ang lalakeng crush na crush ko. "Alam mo bang sa bawat araw na nakakasama kita dito sa University ay gumagaan ang pakiramdam ko? Sumasaya ang bawat araw ko? At dahil yun sa iyo Melissa." sabi niya. Shock na shock naman ako. Ano daw yun? Sumasaya siya pag kasama ako? "Ah eh. Tingnan muna natin tong last book na ito malay mo hindi pa pala natin to nababasa. Baka wala ang pangalan natin dito." sabi ko na lang para maiba ang topic. Ayun tiningnan ko yung last book. Ecology book siya. I was dumbfounded when I read those sweet words after my name.

Melissa Bernadette Guzman.

Hi Mel,
Alam mo bang sa bawat segundo, minuto, oras at araw na nakakasama kita ay laging masaya? Pinapasaya mo ako. Pinapalabas mo ang tunay na ako. I can be silly infront of you. Nagagawa ko ang lahat ng gusto ko sa harap mo. Alam mo bang gusto na gusto kita? Ang kaso baka mag iba ang tingin mo sa akin pag sinabi ko ito sa iyo? Natakot ako na baka I reject mo lang ako kapag niligawan kita. Pero ngayon, buo na ang desisyon ko. Melissa, Pwede ba kitang maging girlfriend?
-J.

"Je-Jethro, ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko. "Melissa, matagal na akong may gusto sa iyo. Nilakasan ko na ang loob ko ngayon. Maari ba kitang maging Girlfriend Melissa?" To-too ba ito? Gusto niya ako? "ah eh sa totoo lang din Jethro, matagal na rin kitang gusto. Kagaya mo, natakot din akong sabihin sa iyo kasi baka masira yung pagkakaibigan natin..." putol ko. "Wala na pala tayong dapat pang ika problema Melissa. Gusto Kita. At ganun ka rin sa akin." sabi niya pa. "A-ano ang ibig mong sabihin??" naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya. "Pwede ba kitang maging girlfriend Melissa??" Tanong niya. "Yes." sabi ko bigla. "Talaga???" tanong niya pa. "Ah oo." sabi ko na lang.

So it's official. KAMI NA!



End of chapter 1.

Vote and comment.
Or Magbasa ka na lang thank you :)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Five Days Contract. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon