Day 1.1 Boyfriend.

8 2 0
                                    

So ito na nga....

*******************

Melissa's POV.

Ayun nandito nga yung lalake kagabi. Ayun nagmadali akong kumilos at bumaba. "Oh N'Melai aalis kana? Mukhang may ipinalit ka na sa Nerdong Jethro ah at in fairness mas gwapo. Nice catch sis!" Ang aga agang mambwiset nitong kapatid ko sarap sapukin. "Oh shut up kuya! Shut up!" Asar na asar na sabi ko kay kuya. Lumabas na ako at sinalubong ko siya. "Good morning babe!" Masiglang bati niya sa akin with a cheesy endearment. "BABE? Seriously?" Natatawa kong patutsyada sa kanya. "Bakit di ba nag de-date na naman tayo? Hayaan mo nalang yung endearment ko sa iyo okay?" Nakangiting sagot naman niya. "Ok fine haha." Tumatawa na talaga ako. "Yun sa wakas! Napatawa na rin kita! Ano tara na?" Sabi niya sabay kuha nung mga libro ko. And as usual dala niya parin yung guitara niya. Nag abang na kami ng bus.
(A/n: isipin niyo nalang na wala ng jeep dito sa pinas haha pero wag naman sana. Well naka base nga pala to sa thai series.)

Habang nag aabang kami ng bus, di ko namalayang katabi ko pala ang ex ko. For heaven's sake! Bakit ko pa nakita to dito? "Uhm, Hi Mel." Aba kapal ng apog nito ah. Tango lang ang itinugon ko sa kanya. "Kumusta?" Tanong pa niya. Asan na ba tong si Henry? Napalinga linga ako ayun lang pala siya sa gilid ko. "Okay lang naman" ang sarap mo ngang sapakin ngayon eh. "HONEYYYYYY!" Biglang tawag ng isang babae sa kanya. Sophisticated, maganda, mayaman at matured. Oo nga pala gusto nga pala niya ng isang matured relationship. Bagay sila. "Dito!" Sigaw niya. Ba't ganito tong katabi ko? Tahimik nga pero nakangisi naman. Nakahithit ba ito? "Ah, Melissa si Samantha nga pala girlfriend ko." Ano naman yung pake ko? "Ah haha nice to meet you." Sabi ko nalang. "Ahem..." tikhim nung katabi ko. "Ahm, babe di mo ba ako ipapakilala sa kanila?" Lambing kunwari nitong baliw kong boyfriend. "Ah oo nga pala. Jethro si Henry nga pala boyfriend ko." Pakilala ko sa kanya. "Nice to meet you pare." Sabi ni Jethro. "Finally na meet na rin kita pare." Aba magaling. "Honey, let's go?" Ayun umalis na sila. "Wag mo nang pigilan ang nararamdaman mo alam kong kanina mo pa gustong umiyak." Aba nakakaramdam rin pala to? Ayun nagsimula na akong umiyak....

Henry's POV.

Habang nag aabang sa may sakayan ng bus, hindi inaasahang makikita namin rito ang magaling niyang ex boyfriend. And what's the thing na gusto kong gawin ngayon? Eh ang sapakin siya. At nung nakaalis na siya kasama nung hipon niyang girlfriend. Mas maganda pa nga si Melissa dun sa Samantha na yun. "Wag mo nang pigilan ang nararamdaman mo alam kong kanina mo pa gustong umiyak." Sabi ko sa kanya. Ayun sinimulan na niyang humikbi. "Bakit ganun? Ang bilis niyang nakakita ng bago? Ano ba yung nagawa ko para ganituhin niya ako? Alam ba niyang masakit? Ang sakit sakit dito eh." Iyak niya sabay turo sa puso niya. Hinila ko siya at niyakap "Shh. Sige lang ilabas mo lang yan. Pero ngayong oras lang na to ah. Ayoko kasing nakikita kang umiiyak. That man doesn't worth your tears. Wag mo na siya ulit na iyakan." Pinat ko pa ang ulo niya. Umiyak lang siya ng umiyak. "Okay tahan ka na. Papasok pa tayo eh." Ayun tumahan naman siya. Sumakay na kami ng bus. Papuntang school.

Day 1. My first day of dating Melissa Bernadette Guzman. I let her cry for his ex and comforted her. And right now, ayoko na siyang makikita pang umiyak. I promise that she will never cry over that guy.

Sincerely,
H.P.J.

Kung yung mga girls may diary ako may notepad. Dito ko isinusulat ang lahat ng nangyayari sa akin. Yung ayokong kalimutan isinusulat ko dito. Yung mga taong importante sa akin, yung mga bagay at pangyayari na ayaw kong kalimutan ipina pa tattoo ko ang mga pangalan nila.

Why?

May sakit kasi ako. May tumor ako sa utak. At kailangan ko nang magpa opera. My parents doesn't know about this. Nakiusap ako sa doctor na bigyan pa ako ng oras at panahon gusto ko pang makasama si Melissa. Gusto ko pang alagaan siya.

***********************

To be continued.

Ay may na reveal....
Short ulit. Haha see you sa next chapter!

Xoxo

The Five Days Contract. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon