Day 5 Selfish.

16 1 0
                                    

Last day na goodness!
Ito na nga...

**************

Melissa's POV.

Day 5. Huling araw na makakasama ko ang lalakeng pinakamamahal ko. Sana pagkatapos nito ay hindi ako iiyak pero paano ko yun magagawa eh kung iniisip ko palang yan ngayon eh nasasaktan na ako? Natatakot ako na baka hindi ko kayanin kinabukasan na mawala na siya ng tuluyan sa buhay ko. Ayoko na mangyari iyon. Gusto kong manatili siya dito sa tabi ko. Selfish na kung selfish pero hindi na ako susuko. Aamin na ako sa kanya. It's now or never. Pagkalabas ko ng bahay nadatnan ko na agad siya. "Tara na. Di tayo papasok ngayon. Ipinagpaalam na kita kay Kuya Marvin. Bukas na kita i uuwi. May pupuntahan tayo." Sabi niya. "Teka san naman yung pupuntahan natin?" Tanong ko pa sa kanya. "Basta! P'Mar alis napo kami!" Paalam pa niya. "Sige ingat kayo!" Aba pinapalayas na talaga ako ng kapatid ko sa sarili naming pamamahay. "Che!" Sigaw ko na lang sa kanya kasi hinila na ako ng ungas.

Few moments later nakasakay na kami ng bus papunta sa kung saan.

Sa loob ng bus.

Wala masyadong tao. Mukhang tinatamad yung driver na punuin ang bus.

(A/n: tito kasi ni author yung driver. Napag utusan ko lang. Lakas ako eh haha.)

Nang bigla nalang siyang nag labas ng tooth brush at tooth paste. "Loko ano ang gagawin mo diyan?" Tanong ko sa kanya. "Eh di mag to tooth brush." Ayun at nagsepilyo na nga ang ungas dito sa loob ng bus. Eh mukha naman wala masyadong tao sa labas eh yung pinagmumug niya dun niya iniluwa sa labas ng bintana. "Petmalu di ba?" Ha? Ano na naman ang pinagsasabi nito? "Petmalu? Ano yun?" Tanong ko. "Ay manang ka nga naman pala nasa old school ka pala nabibilang. Petmalu kabaliktaran ng Malupit. Medyo astig." Sabi pa niya. I just roll my eyes to ignore him.

Maya maya pa. Dinalaw ako ng antok. Linagyan niya naman ng earphones yung magkabilang tenga ko. And the song played by spootify. Kanta ni Ed Sheeran entitled Perfect. Dahil dun hindi na ako nakatulog naenjoy ko yung music. Inilabas ko yung notes ko para sana mag aral eh kaya lang kinuha niya yun at itinapon. "Oiisstt! Bakit mo yun ginawa? Eh notes ko yun eh!" Sigaw ko sa kanya. "Don't worry papalitan ko yun pagkauwi natin galing sa 1 day trip natin." Sabi niya pa. "Tch." Asar kong sambit sa kanya. Tapos natulog na lang ako.

Day 5. Last day. And he's trying his very best to make me happy today. Kahit limang araw lang ay naging masaya na ako.
-MBG

***********
Paki play yung song.

***********

Henry's POV.

For our last day I'm taking her to the place na alam kong makakapag relax siya. Yung kaming dalawa lang. My favorite place. Beach. Isipin niyo na lang na nasa Boracay or Bantayan Island kami. Dapat kahapon ko pa siya dinala dito kaso may emergency. Nagpa check up ako. Sumakit kasi ang ulo ko after kong maihatid pauwi si Melissa kahapon at sinabi nung doctor na kailangan ko na talagang magpa opera. Pinakiusapan ko siyang patapusin lang niya tong 7 days nato pag may nangyaring di maganda papa opera na ako.

"Hey wake up nandito na tayo." Sabi ko sa kanya. "Wow! Ang ganda naman dito. Nasan ba tayo?" Tanong niya. "Secret. Wag mo nalang itanong." Sambit ko na lang mukha namang hindi na niya ako kukulitin pa. Ayun inilagay muna nung hotel bellboy yung mga gamit namin dun sa tutuluyan namin. Napagpasyahan ko namang bilhan siya ng damit Siyempre kasama siya.

Ayun nga dahil simple siya ang pinili niyang bilhin ay yung Yellow dress. "Tara maglakad lakad tayo sa tabi ng dagat." Yaya niya sa akin. "Sige." Tugon ko sa kanya.

Naglakad lakad kami. Nagpicture muna ako gamit ang old film camera ko.
(A/n: old camera po siya na parang beeper yung size niya.)
Inaasar ko naman siyang babasain kasi ayaw niya. "Oisst! Selfie na lang tayo dali" sabi na lang niya. "Pano ba to gamitin?" Tanong niya. "Ganito lang yan." Ayun in-explain ko sa kanya kung papano yun gamitin. "Ayun nakuha ko na. Dali wacky naman!" Masiglang masigla niyang sabi. We spend time together taking photos at each other.

"Tara masyal muna tayo dun sa mini market nila dito!" Yaya niya ulit. "Sige tara." Sabi ko.

Habang namamasyal may nakita akong tattoo shop dito. Hinila ko siya papasok sa loob. "Magpapatattoo ka? Anong design?" Tanong niya. "Oo. Pangalan mo ang ilalagay ko." Sagot ko sa kanya. "Ha? Pero bakit?" Tanong niya.. "Nakikita mo tong mga tattoo ko sa katawan? Lahat ng ito ay alaala nung mga dumaang babae sa buhay ko. Kaso iniwanan lang ako eh. Ito nalang yung remembrance nila sa akin." Nangingiting tugon ko sa kanya.
"Sige ipa pa tattoo ko rin yung name mo para same tayo." Sambit niya na ikinagulat ko.
Ngumiti ako sa kanya dahil sa tuwa. "Sige. Yung thai names natin ang ipalagay natin."

Ayun ang nilagay niya ay Hippy. Sa akin naman ay Mel B.

This day was great.

*******************

Pause muna may part two pa!

See you tomorrow!

I think 4 or 5 chapters na lang. Hahaha great.

Bye! Xoxo.

The Five Days Contract. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon