Chapter 1. The Beginning

115 0 0
                                    

"mahal na mahal kita"

sigaw niya saken habang patuloy ako sa pag lalakad palayo sa kanya

"Jane! please naman. All I need is a second chance!"

Pahabol pa nito... habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko, bigla niyang

Hinatak ang kamay ko. Nag mamaka awa siya't humihingi ng second chance

"alam mo... hindi ako umiiyak dahil nasaktan ako sa nakita ko... nasaktan ako dahil all this time, hindi ka na pala Masaya sa piling ko... tama na Luis, napapagod na din ako."

Sabay hatak sa kamay kong hawak niya at tumakbo papalayo sa kanya

...

Pag uwi ko sa condo ko binuksan ko ang ilaw at napa upo sa likod ng pintuan...

nag flash back ang isipan ko habang umiiyak ako.

Alam kong umiiyak ako hindi dahil nasaktan ako, kundi dahil alam kong lahat ay magiging alala nalang at din a maibabalik pa.

*Flash Back*

Si Luis Ancero nga pala, Childhood friend ko. Anne. Pakilala sakin ni Cindy na friend ko slash classmate. Nginitian ako ni Luis at kinamayan ako.

"Hi, I'm Anne Jane Pascual" sabay ngiti pabalik. Nagka kilala kami sa birthday party ni Cindy. At nung una ay parang mag bestfriend lang kami... after 1 year, sinabi niyang mahal niya pala talaga ako... sinagot ko siya dahil mala bestfriend kami non, at parang crush ko na din siya... mapungay ang mga mata niya, maputi't matangos ang ilong niya.halata sa kanya ang pagkakaroon ng foreign blood. Cool siya at kilala siya sa school naming dahil mag school mates kami. Ang masakit lang, babaero siya...

Ilang beses akong nakakarinig ng mga balita noon. They said he was cheating on me... but I didn't believe them until recently... nahuli ko siyang may kasamang ibang babae sa loob ng condo niya na may kasamang ibang babae na hubo't hubad... he explained that it wasn't like thay're makin' out, na naki shower lang daw yung girl na friend ng ate niyang 3 years ang tanda sa kanya... but for me... sige nga, Makita mo hubo't hubad at magkayakap sila nung girl... gusto ko siyang sagutin ng mga oras na iyon...

-__- Hello?! Wag mo sabihin sakin na gininaw na din si ate kaya niyakap mo na din...

*End of Flash back*

Ayoko nang isagi sa isipan ko pa ang mga nangyari kanina... basta ako ibinangon ko nalang ang sarili ko pero umiiyak padin ako... humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili ko

" sorry ha? Pinabayaan kita, sorry din kasi hinintay ko pang masaktan ka ng ganito..."

lalo akong napaiyak pero kasabay non, naramdaman kong gumaang ang sikip sa dibdib ko... 12a.m. na hindi pa ako natutulog ayokong idaan sa inom o kahit na anu pang bisyo para lang malimutan ko...

tulala ako at nag iisip

...

nagising ako sa couch...

"hala! Nakatulog ako dito!"

Sumilip ako sa orasan... Sh*t 9 na! Late na late na ako sa second subject ko! 2nd year college na ako, and yes may sarili akong condo, given by my Dad and a Car given by my Mom... mas malapit kasi ito sa school. . May dorm naman sa loob ng campus namin, pero hindi ako pinayagan nila Mommy.

I Rushed out of my condo na para bang may sunog, ang mga gamit ko nagkakahulog hulog na din dahil basta ko nalang silang ipinasok sa back pack ko...sobra akong nag mamadali nung may mabunggo ako...

"ay! Sorry po, Sorry po talaga"

"It's okay" then he smiled "rushing off to school are we?"

"h-ha?" di ko alam pero nakatitig lang ako sa kanya... ang pogi niya, Chinito siya, nakasalamin at mukang Chinese, basta ang pogi niya, mukang 6'2-6'3 ang height at maputi siya, para bang di siya na aarawan...

Teacher is heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon