9 o'clock sakto, umalis ako sa condo ko. nag drive papunta sa isang restaurant sa may cubao at doon nakipag kita ako sa mommy ko.
"Hi Mommy!" sabay kaway ko sa kanya
"Hi Baby, kamusta?" sabay yakap sakin
"Sorry medyo na late ako, so bakit niyo po ko pinapunta pa dito? and who is this?" umupo na ako sa table
"ahh- darling, siya si Carlo, yung... boyfriend ko" sagot sakin ni mommy
medyo na shock ako at napatulala as if hinihintay kong sabihin sakin ni mommy na joke lang yun at hindi totoo ang mga iniisip ko. Nginitian naman ako nung kabit ng mom ko...
"a-ahhh... so... " speechless! yan ang nangyari sakin sabay awkward na sulyap sa lalaking ipapalit ng mommy ko sa daddy ko. "Order na tayo?"
"Jane, are you mad?" tanung sakin ni mommy
"No! no-how can i? i mean... him, you... i-i just- Great!" awkward kong sagot habang alam kong halatang halata ang pag papanggap ko na kunyari okay lang ako
My mom nodded and smiled "Sige, order na tayo. Waiter" tawag niya sa lalaking nakatayo sa may counter
"yeah, mom... anything for you... i-i need the comfort room" sabi ko sabay tayo "excuse me"
pag pasok sa CR tinawagan ko agad si Cindy
"Cind... are you busy?"
"Umiiyak ka ba?" tanung niya sakin
"I finally meet him..."
"Ha?! alin? Sino? hey, i've heard nga pala, Gago pala talaga yung luis na yun ehh"
"Cind... I finally met my mom's other man"
"What?! Girl! nasan ka? puntahan kita!"
"andito ako sa may cubao... "
"hintayin mo ako puntahan kita!"
"No... no, Cind, sa condo ko nalang tayo mag kita... uuwi na ako after this"
"Sure ka?, Sige. wait lang ha?" sabay sigaw niya sa background "hindi na po ako sasama! kayo nalang, Ma"
"Cind"
"Ohh? bakit?"
"you know what? gusto ko pala munang mapag isa, okay lang ba sayo na wag na munang pumunta?"
"What? Girl naman! I know you need me, punta 'ko jan"
"No, really, cindy, okay lang... i really wanna be alone"
"Sure ka ha?"
"oo naman, ako pa"
"Sige, pano alis muna ako ha? bbye" that's when i turned my phone off
bumalik ako sa table
"Mom, you know what? i gotta go, my classmate called me, my project daw kami so..."
"are you sure? hindi ka ba kakain manlang baby?"
"no mom, i'm still full anyway, sige nag mamadali na ako ehh, bbye "
Sabay labas ng resto at dali daling nag drive pa alis. pumunta ako sa isang bar at maghapon akong nag pakalasing. gusto ko kasing makalimot pero siyempre nag tira pa ako ng konting ulirat para makauwi
nag taxi nalang ako at iniwan ang kotse ko sa parking lot ng bar dahil di ko na kayang mag drive
----pag dating ni jane sa condo---
Pilit kong binubuksan yung pinto ko pero ayaw gumana ng susi kaya kinalampag ko nalang ito
"Ano ba?! mayas nyaman oh! nashira na ang araw ko, patyi banyaman ikaw? ayaw mo fa akong pag bukshan?!" ("Ano ba?! malas naman oh! nasira na ang araw ko, pati banaman ikaw? ayaw mo akong pag buksan?!" ) hinampas ko ito ng hinampas "oi pinto! mag bukash ka na! Open Sheshame!" ("oi pinto! mag bukash ka na! Open sesame!") tuloy lang ang pag hampas ko sa pinto habang nag sasalita
"shubukan mo talagang di mag bukas, sisipain kita!" (subukan mo talagang di mag bukas, sisipain kita!")sabay hampas ko ulit at bigla itong nagbukas sabay gapang ko sa floor
"oi! Miss jane! lasing ka ba?"
"Abfa... Akalayin mo nga nyaman yung pinto ko nagshashaita nya" (aba... akalain mo nga naman yung pinto ko nagsasalita na) napatigil ako saglit "di kaya nyabfabfayiw na ako?" (di kaya nababaliw na ako?)sabay napatawa nalang ako at itinuloy ang pag gapang
----nagising ako at hindi ito ang kuwarto ko
"ay shit! nasan ako?!" tanung ko sa isip ko habang unti unti akong umupo
"hala! baka narape na ako?! o kaya sumama ako sa lalaking di ko kilala?! o baka winan-night stand nalang ako ng kung sino-sinong di ko kilala?!" .Sabay iyak ko "ang tanga tanga mo Jane!!!"
"hoy babae!"
napatunghay akong bigla "Sir Natividadl?!"
"sa susunod na iinom ka, siguraduhin mong kaya mo ang sarili mo! hindi yung kung kani-kaninong condo ka nalang papasok! alam mo ba ang ginawa mo kagabi?"
napailing ako at itinuloy niya ang pag sasalita
"nag wawala ka sa harapan ng pinto ko habang nanga-ngalampag, bago nung buksan ko ang pinto ko basta ka nalang pumasok at gumapang ka papunta sa carpet ko at dun ka sumuka, hindi ka pa nakuntento, naghubad ka pa ng damit mo! salamat nalang at may pang doble ka, kung hindi nasunog ang mata ko sa pangit mong katawan.Tapos nun dumeretso ka nalang bigla dito sa kuwarto ko nang paa-paalam at humandusay ka sa may sahig! nag wawala ka pa nga nung inilipat kita sa kama ko tapos sinasabi mo pa na 'sisigaw ka ng rape pag hinawakan pa ulit kita"
"ginawa ko lahat yun?" bulong ko sa sarili ko
"At dahil don, Miss Jane. Gusto kong parusahan ka!"
"Sir?"
"Linisin mo yung carpet na sinukahan mo! teka nga muna, bakit ka ba nag lasing kagabi ha?"
"Wala, oo na lilinisin ko na yan mamaya"
Umuwi muna ako sa condo ko at nag palit ng damit. matapos nun ay bumalik ako para linisin ang ginawa ko kagabi -_- nakakahiya ehh.
kinuha ko yung carpet niya at pinalabhan sa dry cleaner. at bumalik ako sa bar na pinag inuman ko kagabi para kunin ang sasakyan ko.