Chapter 1

63 5 1
                                    

Cassandra Cassinie

" Hahayaan mo ba ang sarili mo na patuloy na mag isa, o magiging katulad ka rin nila?"

"Hahayaan mo ba ang sarili mo na patuloy na mag isa, o magiging katulad ka rin nila?"

"Hahayaan mo ba ang sarili mo na patuloy na mag isa, o magiging katulad ka rin nila?"

"Hahayaan mo ba ang sarili-------------

"Miss Celliavilla! Kanina pa kita tinatawag for recitation, are you with us?!" Nilingon ko si Ma'am Victorina siya ang General Biology teacher namen for this second semester.

Mainitin ang ulo, panigurado matandang dalaga to.

Pulang pula siya sa galit akala mo ikakamatay niya ang hindi ko pag sagot sa kanya ka-agad. At syempre nag sitawanan ang mga kaklase ko, wala namang pinagbago.

Pagtatawanan ang isang bagay na wala namang dapat ikatawa.

Tsk.

"Pasensya na po, ano po ba ulit yung tanong niyo?" Walang gana ngunit malumanay na sagot ko sa kanya.

"Alam mo Ma'am yang si Cassinie dapat diyan dun nagka-klase sa dulong room kasama yung mga abnormal, baka magulat nalang tayo, pag sasaksakin tayo ng weirdo na yan!"

"Oo nga Ma'am, lagi nalang tulala baka nababaliw na yan! "

"Hahahahahahaha! "

Kayo yata ang mga abnormal at siraulo e.

"Shut up class! Quiet! Okay Miss Celliavilla I'll repeat my question. Give me the chemical reaction of Photosynthesis and Cellular Respiration."

Basic.

"The chemical reaction of Photosynthesis is
6CO2+6H2O+Sunlight->C6H12O6+6O2 and the chemical reaction of Cellular Respiration is
C6H12O6+6O2->6CO2+6H2O+Energy."

Haba tsk.

"Okay very good! Alam mo Miss Celliavilla matalino ka sana kaso sana yang natutunan mo, e sinasabuhay mo hindi yung lagi kang tulala sa sulok at walang kinakausap."

Pinuri tapos lalaitin?

"Okay next, Mister Narvado give me the similarities of Photosynthesis and Cellular Respiration."

Inaantok nako.

"Ah. Hindi ko po alam e Ma'am, hindi po kasi ako nakapag review. Bawi nalang po ako." Kakamot kamot sa ulong tugon niya.

Tsk. Engot.

"Ayan diyan ka magaling! Puro ka lang papogi pero pag dating sa pag aaral nga nga ka."

Nagtawanan nanaman ang buong klase hays.

Haynako. Ingay.

"E kasi naman Ma'am yung mg-----"

"Stop saying your nonsense reasons! Mabuti pa yang si Miss Celliavilla kahit may pagka-weirdo, may laman naman ang utak! E ikaw?! Next time na hindi ka makasagot sa recitation ko, ipapatawag ko ang magulang mo! Understand?!"

"Yes Ma'am."

Yabang yabang pero kapag napapagalitan na, urong din pala. Tsk

"Bukas may recitation nanaman tayo, mag review kayo dahil ang hindi makasagot hindi ko bibigyan ng Periodical Exam next week! Class dismiss!"

Sa wakas natapos din.

Pag kaalis ng teacher namin sa General Biology, sinuot ko na ang earphone ko, kahit hindi naman tumutugtog. Sa papamagitan kase non wala ng mang iistorbo sakin, dati naman hindi ako ganito, pero pag katapos ng pangyayareng yon, nawalan nako ng ganang makihalubilo sa ibang tao.

She KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon