Chapter 2

42 5 1
                                    

Cassandra Cassinie

"Naglalakad ako sa isang madilim na napakahabang pasilyo, puro kwarto, maraming kalat sa paligid, halatang may kakatapos lamang na gulo. Aalis na sana ako ng may mga sigaw ang umagaw sa aking atensyon, mga sigaw na alam mong nahihirapan, nasasaktan, nag mamakaawang itigil na ang sakit na nararamdaman.

Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng aking mga paa ngunit isa lamang ang nasisigurado ko, ito'y nanggagaling sa dulong parte ng pasilyo. Sa bawat paghakbang ko ay palakas din ng palakas ang mga sigaw na aking naririnig.

Nang makarating ako sa dulong pasilyo hindi ako nag kamali may isang kwarto na doble ang laki ang nasa dulo ng pasilyong ito, dahan dahan kong ibinukas ang pintuan at tumambad sa akin ang dalawang babae at isang lalake na puro dugo ang kasuotan, tila nakaluhod na lamang sa sahig at nakatali ang mga kamay at paa habang may nakapaligid sa kanila na mga lalake na nakaitim.

Ngunit umagaw sa aking pansin ang babaeng nakaitim na mascara na nasa gitna, nakatayo siya sa tatlong tao na puro dugo at nakalunod sa kanyang harapan. Hawak hawak niya ang isang itim na baril na may bahid din ng dugo, nakatitig lamang siya sa tatlo. Walang sabi sabi ay babarilin niya na sana sa ulo ang isa sa tatlo ngunit natigilan siya ng tumawa ng napakalakas ang lalakeng nakaluhod.

Tawang parang may itinatagong alas, tawang hindi mo gugustuhing marinig.

"Hahahahaha! Sigurado kabang kaya mong harapin ang magiging resulta ng lahat ng ito? alam mo kung ano at sino siya sa taong pinakamamahal mo."

Itinuro ng lalake ang babaeng dapat babarilin na sa ulo. Ngunit bigla na lamang nanlamig ang aking buong sistema ng nagsalita ang babaeng nasa gitna, hindi ako pwedeng mag kamali. Kahit nakatakip ang kanyang muka alam ko kung sino ang nag nagmamayari ng boses na iyon.

"Alam ko. Pero handa akong maging makasalanan para lang maprotektahan ang lahat ng taong mahal ko."

Napakalamig ng kanyang boses, nakakapanglambot ng tuhod. At ikinagulat ko ng bigla siyang lumingon sa aking pwesto at ginawaran ako ng isang ngisi at nag bitiw ng mga salitang nag pagulo nanaman sa aking isipan.

"At hindi ang mga tulad niyo ang pwedeng humarang sa aking plano. Ikaw, ako, tayo ay iisa. Ikaw, handa kana bang maging makasalanan para sa kanila?"

Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang yon ay bigla niya na lamang pinagbabaril ang mga taong nasa harapan niya.

At bigla na lamang may humatak sa akin papasok sa isang madilim na kwarto gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit walang boses ang gustong lumabas sa aking lalamunan at sa aking paglingon isang malakas na hampas ang dumapo sa aking ulo na ikinawalan ng aking malay.

"Cassie anak? Gumising kana oras na ng iyong pag pasok sa ekwela."

Panaginip nanaman pala, panaginip na lalong nag papagulo ng lahat. Tinig ng aking tumayong ina ang gumising sa akin sa isang napakasamang panaginip. Oo siya lamang ang tumayong ama't ina sa akin. Lumaki akong walang mga magulang.

Hindi ko alam kung nasan ang aking tunay na mga magulang at wala nakong balak pang alamin kung sino at nasan sila. Sapat na sa akin ang aking ina. Hindi ko na sila kailangan pa.

"Good Morning Ma, uminom kana ba ng gamot mo?" Dahil nag kakaedad na siya kaya marami narin siyang mga maintenance na gamot na kailangang inumin.

"Hindi pa ako umiinom ng gamot, hinintay na kita para sabay tayong makapag almusal."

"Thank you Mama."

She KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon